Kris Aquino reveals Baby James has a dollar trust fund


TV host-actress Kris Aquino reveals to PEP that her youngest son, Baby James, has a dollar trust fund and P1.2 million savings. This early, Baby James's future seems very secure.



Nag-live kahapon, August 30, ang morning show ng ABS-CBN na Boy & Kris. Supposedly, every Tuesday ang live episode ng programa nina Boy Abunda at Kris Aquino. But last Tuesday, August 28, ay nasa Boracay pa si Kris kasama ang mister na si James Yap at ang dalawa niyang anak na sina Baby James at Joshua.



Punumpuno ang audience ng Boy & Kris sa live episode nila kahapon kung saan si Piolo Pascual ang kanilang special guest. Tuwang-tuwa sina Boy at Kris dahil patuloy na tinatangkilik ng mga manonood ang kanilang programa.

Samantala, ayaw nang patulan nina Boy at Kris ang pang-iintriga sa kanila na nagkakasapawan silang dalawa sa show. In fact, nilinaw ni Boy na mananatili silang magkaibigan ni Kris. Labis-labis naman ang pasasalamat ni Kris kay Boy for having her as a friend.



Kahapon ay kasama ni Kris si Baby James sa ABS-CBN. Pinuntahan namin si Kris sa dressing room at "ipinakilala" niya kami kay Baby James, na four months and 11 days na noong araw na ‘yon.

Hindi iyakin ang bunso ni Kris. Lutang na rin ang malaking pagkakahawig niya sa kanyang ama at ilang resemblance ng pagiging apo ng bayaning si Ninoy Aquino.

Nabanggit ni Kris na may trust fund si Baby James, not in pesos but in dollars. Kuwento pa ni Kris, may kasamang insurance sa kanya ang trust fund ni Baby James na anuman ang mangyari sa kanya, may makukuhang (huge) amount ang kanyang bunso. Ganun din ang ginawa ni Kris kay Josh.

Bukod sa trust fund, may P1.2 million savings na si Baby James bilang talent fee niya sa TV commercial ng isang diaper na ini-endorse nilang mag-ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN