Watch Now

Jo Berry explains reason behind breakup with boyfriend

by Ruel J. Mendoza
Sep 14, 2019
Jo Berry on her ideal boyfriend: “Yung medyo Chinese-looking. Chinito. Parang si Ken Chan. Siya ang unang crush ko talaga sa showbiz."
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa edad na 25, nagkaroon na ng seryosong boyfriend si Jo Berry.

Pero hindi sila nagtagal.

Kuwento ng pint-size Kapuso actress, "Bata pa po kami noon. May mga hindi kami napagkakasunduan kaya hindi kami nagtagal.

"Dahil na rin nga po sa bata pa kami noon. Opo, minahal ko po siya."

Guwapo ba ang ex-boyfriend niya?

Ngumiti si Jo at sinabing normal lang ang hitsura nito.

Ang tipong lalaki ni Jo, “Yung medyo Chinese-looking. Chinito.

"Parang si Ken Chan.

"Siya ang unang crush ko talaga sa showbiz."

Hindi raw mahilig si Jo sa mga lalaking sobrang guwapo at malalaki ang katawan. Tama na raw yung maayos itong tingnan.

"Ang importante po ay yung mabait, maayos siyang kausap at matalino," diin pa ni Jo.

Ilan ba ang nanligaw sa kanya noon?

Natatawang sinagot ni Jo, “Huwag na po nating bilangin!

"Hindi naman po ibig sabihin na marami sila. Ang haba naman po ng buhok ko!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CAREER OVER LOVE LIFE

Kung noon ay okey lang ang makipag-date si Jo, ngayon ay mas binibigyan niya ng priority ang kanyang career, lalo na noong maging breakout TV star siya dahil sa Kapuso teleserye na Onanay.

Ngayon ay may bago siyang primetime teleserye na The Gift, kunsaan gumaganap siya bilang adoptive mother ni Alden Richards.

"Before po ng Onanay, nakikipag-date naman po ako.

"Kakain lang po sa labas, manood ng sine, yung normal po na date.

"Ngayon po, hindi ko na po nagagawa iyon lalo na noong ginawa natin yung Onanay.

"Ngayon, may The Gift po tayo na nakadagdag sa schedule natin."

Bukod sa The Gift, napapanood din si Jo sa comedy anthology na Dear Uge.

Kasama rin siya sa launching film ni Super Tekla na Kiko En Lala na ipapalabas na sa September 25.

Thankful si Jo sa magagandang opportunity na ibinigay ng Kapuso network sa "little person" na tulad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi niya inakalang puwede pala siyang maging artista at makatrabaho ang mga hinahangaan niyang mga artista noon.

"Hindi po matatapos ang pasasalamat ko sa GMA-7. Dahil po sa kanila, ang isang pangarap lang noon ay naging totoo.

"Sino ba naman po ang makakapagsabi na makakatrabaho ko sa isang TV show sina Ms. Nora Aunor, Ms. Cherie Gil, at yung madirek ka ni Ms. Gina Alajar?

"Ngayon po, katrabaho ko na sina Ms. Elizabeth Oropesa, Ms. Jean Garcia, Ms. Luz Valdez at siyempre, si Alden Richards sa The Gift.

"'Tapos, si Ms. Eugene Domingo sa Dear Uge.

"Hanggang ngayon po, pakiramdam ko ay nananaginip pa rin ako. Kinukurot ko po ang sarili ko at baka ilusyon lang lahat ito.

"Pero totoo po lahat kaya gabi-gabi akong nagdarasal at nagpapasalamat kay Lord sa mga pambihirang blessing na dumating sa akin at sa pamilya ko."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jo Berry on her ideal boyfriend: “Yung medyo Chinese-looking. Chinito. Parang si Ken Chan. Siya ang unang crush ko talaga sa showbiz."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results