Mark Bautista stages second major concert


"Salamat naman kung sa palagay nila ay malakas ang sex appeal ko. Walanaman akong ginagawa para tingnan nila ako in that way. Kung iyon angsinasabi nilang irresistible sa akin, tatanggapin ko ‘yon," says Mark Bautista.



Tuloy na tuloy na ang second major concert ni Mark Bautista titled Simply Irresistible na magaganap sa October 13 sa Aliw Theater.

Nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tinaguriang Pop Heartthrob kung bakit iyon ang napiling titulo ng kanyang nalalapit na concert, ang Viva management daw ang nakaisip ng title. Madalas daw kasing nali-link sa mga magagandang babae si Mark. May something irresistible daw kasi sa kanya.



"Hindi ko alam kung ano yung irresistible sa akin," sabi ni Mark. "Siguro mabait lang ako at simpleng tao. Lahat naman ng mga na-link sa aking mga babae, nagiging friends ko. Hanggang doon muna kasi importante ang trabaho."



Hindi niya ba kinu-consider na irresistible ang sex appeal niya? Hindi lang kasi mga babae kundi pati mga bading ay naa-attract sa kanya.



"Talaga? Balita ko nga!" malakas na tawa ni Mark. "Salamat naman kung sa palagay nila ay malakas ang sex appeal ko. Wala naman akong ginagawa para tingnan nila ako in that way. Kung iyon ang sinasabi nilang irresistible sa akin, tatanggapin ko ‘yon."



Handa na bang ma-harass si Mark, yung tipong bigla na lang siyang hihipuan mapa-babae man o bading?



"Parang may nangyari na yatang ganun!" malakas na tawa niya. "Hindi ko lang matandaan, pero parang may nangyari nang ganun. Hindi ko lang alam kung girl ba o bading ang gumawa nun. Nagulat lang ako. Hindi ko masyadong nagustuhan kasi binigla ako."



Special guests ni Mark sa kanyang Simply Irresistible concert sina Sarah Geronimo, Rachelle Ann Go, Sitti, at Rufa Mae Quinto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN