Alfred Vargas bares sexy body for Cosmopolitan pictorial


"May mga gusto sa kulay ko, e. Kaya ako, hindi ako mahilig magpaputi, e. Tama lang sa akin ang kulayPinoy. May mga girls ang nagkakagusto sa ganito, di ba?" says Alfred Vargas about his moreno features.



Masayang-masaya ang sexy actor na si Alfred Vargas dahil isa siya sa pinagpilian para maging cover ng Cosmopolitan Bachelors 2007 issue. Pero eventually ay napunta ang cover sa kapwa Kapuso star niya na si Dingdong Dantes.



Ganunpaman, kabilang pa rin siya sa top 10 bachelors na featured sa special issue ng Cosmopolitan. Simple pero malakas ang dating ng pictorial ni Alfred para sa naturang issue.



"Matagal din akong hindi nagpa-sexy pictorial dahil na rin sa advise ni Nay Lolit [Solis]. After ko kasing gawin yung sa Hanford na coffee table book, pahinga muna ako. Huwag ko raw sunud-sunurin.



"Nagpapasalamat nga ako kay Nay Lolit dahil pinayagan niya ako ulit. Tamang-tama at nakapag-lose na ako ng timbang at maganda na ulit ang pangangatawan ko, just in time for the magazine shoot," kuwento ni Alfred sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Ayon pa kay Alfred, ikinatutuwa niya na isang taga-GMA-7 din ang naging kaagaw niya para sa cover ng Cosmopolitan Bachelors 2007. Ilang beses na niyang nakatrabaho si Dingdong at nakita niya rin ang pagsusumikap nito para gumanda ang kanyang pangangatawan.



"I don't mind kung si Dingdong ang napili," sabi ni Alfred. "The very fact na si Dingdong Dantes na siya, enough reason na ‘yon na mag-number one siya. I don't consider him as kalaban because we're both from the same TV station and we're good friends. It's a friendly and healthy competition between us."



Nang tanungin kung ano ang masasabi niyang edge niya over Dingdong, sinabi ni Alfred na baka ang pagiging moreno niya ang nag-stand out sa kanya.



"May mga gusto sa kulay ko, e," nakangiting sabi ni Alfred. "Kaya ako, hindi ako mahilig magpaputi, e. Tama lang sa akin ang kulay Pinoy. May mga girls ang nagkakagusto sa ganito, di ba?



"Pero meron din namang mga girls na hilig ay ang mga mestizo na tulad ni Dingdong. Mas nagugustuhan nila ang ganung features. Iba-iba naman kasi ang taste ng bawat isa, e," paliwanag ni Alfred.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kasalukuyang tinatapos na ni Alfred ang ilang eksena para sa Impostora at nagsu-shooting na siya para sa 2007 Metro Manila Film Festival entry na Banal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN