Willie Revillame wants to make peace with Joey de Leon


"Magbati na tayo, aking kaibigan. Pasensiya ka na, nadala lang ngemosyon. Pero ikaw pa rin ang aking inspirasyon dahil ikaw ang tunay nainstitusyon. Eat Bulaga! kayo ang tunay na number one..." part of Willie Revillame's song to Joey de Leon (inset).



Wala pang isang araw pagkatapos makipag-meeting kay Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Consoliza Laguardia, kapansin-pansin kaninang tanghali, September 1, sa noontime show na Wowowee ang kagustuhan ng host nitong si Willie Revillame na makipag-ayos na sa nakaalitang si Joey de Leon.

Sa kalagitnaan ng show, nagpasalamat si Willie kay Chair Laguardia para sa mga payo nito sa kanya sa kanilang closed-door meeting. Bukod dito, humingi rin ng paumanhin ang TV host-comedian sa pagiging emosyonal niya noong Martes, August 28.

Ani Willie, "I'd just like to thank Chairman Laguardia, kinausap niya ako kagabi. Tama, peacemaker po talaga [siya]. Chairman, maraming salamat sa mga payo ninyo sa akin at susundin ko po iyon.

"Pasensiya na po kung nagiging emosyonal ako sa mga pangyayari sa buhay ko. Sa araw-araw po kasi na nandito ako, siyempre sa pagod, sa lahat na po, nadadala kami sa emosyon. Pero magmula po ngayon, open na ako."

Bukod pa rito, idinaan din ni Willie sa kanta ang pagnanais niyang makipagbati sa kaniyang "kaibigan" na si Joey.

"Magbati na tayo, aking kaibigan. Pasensiya ka na, nadala lang ng emosyon. Pero ikaw pa rin ang aking inspirasyon dahil ikaw ang tunay na institusyon. Eat Bulaga! kayo ang tunay na number one..." bahagi ng awitin ni Willie patungkol kay Joey.

Matatandaan nagbuhos ng sama ng loob si Willie sa kanyang programa noong August 28 laban kay Joey. Ito ay bunsod ng pagpapasaring ng huli kay Willie ukol sa nangyaring "pagkakamali" sa "Wilyonaryo" segment ng Wowowee noong August 20.

SENATE HEARING NOT NEEDED. Samantala, hindi naman sang-ayon si Senator Bong Revilla, chairman ng Senate Committee for Public information and Mass Media, na paabutin pa sa Senado ang sinasabing iregularidad sa segment na "Wilyonaryo" ng Wowowee.

Para sa senador, "It is within the power of DTI [Department of Trade and Industry] to suspend, to investigate. Nasa kanila na iyon kung ano ang magiging desisyon nila. Pero para paratingin natin sa Senado, sa tingin ko hindi pa, hindi pa napapanahon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tulad ng iba pang artista, nais din ni Bong na magkaayos na lamang ng personal sina Willie at Joey sa halip na magpatuloy na magbangayan sa telebisyon.

Bukas at handa naman daw ang pamunuan ng ABS-CBN sa anumang imbestigasyon kaugnay ng diumano'y iregularidad sa larong "Wilyonaryo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN