Richard Gomez and Ai-Ai delas Alas kiss and makeup after three years


Three years ago, Richard Gomez questioned the success of Ai-Ai delas Alas's solo-starrer Ang Tanging Ina. Ai-Ai did not hide her disappointment and the two did not talk after that. Three years later, Goma and Ai-Ai bury the hatchet as if nothing happened.


Nakakatuwa namang makitang nagkaayos na sina Richard Gomez at Ai-Ai delas Alas. Naganap ang pagbabati ng dalawa sa birthday celebration ni Ogie Alcasid sa Manila Polo Club noong August 27.



Kung matatandaan ay sumama ang loob ni Ai-Ai kay Goma noong kuwestyunin ng huli ang pagiging phenomenal hit diumano ng solo starrer ni Ai-Ai na Ang Tanging Ina. Ayon kay Goma, na noo'y co-host pa ng S-Files, paano raw maghi-hit ang pelikula ni Ai-Ai, samantalang may malakas na bagyo noong mag-open ang naturang pelikula.

Hindi nagustuhan ni Ai-Ai ang pagkuwestiyon ni Goma sa S-Files noon, may tatlong taon nang nakaraan. Naging vocal si Ai-Ai noon na masama ang loob niya kay Goma. Itinuturing ang pelikulang Ang Tanging Ina bilang isa sa pinakamatagumpay na pelikula ni Ai-Ai.



Since then pala ay hindi pa muling nagkukrus ang landas nina Ai-Ai at Goma not until noong 40th birthday celebration ni Ogie. Ayon sa isang eyewitness, si Goma pa raw ang lumapit kay Ai-Ai habang nagpapa-picture ito.

Binati ni Goma si Ai-Ai at sinuklian naman ito ni Ai-Ai ng maganda ring pagbati. Ang ending, tinawanan na lang nila ang lahat at nagpa-picture pa silang dalawa.



Kaya all's well that ends well for the two of them. Magkaroon kaya ng ganitong eksena sina Joey de Leon at Willie Revillame balang-araw? Magawa kaya nilang tawanan na lang ang naging sagutan nila sa TV and let bygones be bygones?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN