"Philippine Idol" Season 2 might be seen on GMA-7


Negotiations are now on its final stretch for Philippine Idol to move to a new home, GMA-7. If the move pushes through, will GMA-7 still get Ryan Agoncillo (in photo) as host?



May katotohanan ang nasulat na paglipat ng Fremantle Media ng Season 2 ng Philippine Idol mula sa ABC 5 to GMA-7. Ayon sa source ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na konektado sa GMA-7, may negotiation na sa dalawang kampo. This week malalaman kung malilipat na sa Kapuso network ang local franchise ng American Idol o mananatili ito sa ABC-5.



Ayon sa aming source, ang first option ay sa ABC-5 pa rin. Pero kung hindi raw mami-meet ng grupo ni Mr. Tonyboy Cojuangco ang hinihingi ng Fremantle Media, ang franchise holder ng singing search, malaki ang posibilidad na sa GMA-7 na ito mapanood next year.



Ang tanong ngayon, kung sakaling malipat sa Kapuso network ang Philippine Idol, si Ryan Agoncillo pa rin kaya ang maging host at si Ryan "Mr. C" Cayabyab pa rin kaya ang chairman ng board of judges? Ang nakasama ni Mr. C sa pagdya-judge ng Philippine Idol sa ABC-5 ay sina Pilita Corrales at Francis Magalona.

May program contract pa sa ABS-CBN si Ryan, pero gusto raw ng Freemantle na i-retain siya at si Mr. C.

Wala namang problema sa direktor ng Philippine Idol na si Mark Reyes dahil taga-Siete ito at hindi siya maaapektuhan sa lipatan issue. Ito ay kung siya pa rin ang kukuning direktor, dahil posible ring ibigay ito kay Louie Ignacio na siyang nagdidirek ng musical variety programs ng GMA-7.



Kung matuloy ang paglipat sa GMA-7 ng Philippine Idol, ibig sabihin ay wala na munang Pinoy Pop Superstar habang nasa kanila ang exclusive rights ng very popular singing search. Napag-alaman ng PEP na kung mapupunta nga sa Kapuso network ang franchise ng Philippine Idol, sa timeslot ng Celebrity Duets ito ilalagay every Saturday na siya ring timeslot ng Pinoy Pop Superstar.

Malaki rin ang posibilidad na si Regine Velasquez ang mag-host ng Philippine Idol kapag nasa GMA-7 na ito dahil siya ang host ng Pinoy Pop Superstar at Celebrity Duets (with Ogie Alcasid).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN