Christian Bautista admits not all his concerts are hits


"Alam mo, kung mayroon mang isang artist na nagsabing walang nilangaw na show, he's lying because everybody is experiencing it," says Christian Bautista.



May mga balitang lumalabas na marami raw sa mga concerts abroad ng Filipino performers ang hindi kumikita lately. Sa pakikipanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa singer na si Christian Bautista ay inamin nitong maging siya ay nakararanas din ng mahinang reception mula sa audience here and abroad.



"Mayroon na rin akong experience ng mga concerts, whether dito or so ibang bansa, na kaunti lang talaga ang tao. Pero may mga concerts din naman ako na punumpuno naman, so it's really a lot of things na dapat na i-consider. Sana, hopefully, walang calamities like rain, bagyo, tapos ticket prices, saka yung presence mo sa industry, yung music mo may recall sa tao. So, hindi talaga basta-basta ang paggawa ng isang concert.



"Nangyayari talaga ‘yon and alam ko yung feeling nun. Pero it doesn't make me feel me down. Ginagawa ko pa rin ang best ko para for the next concert, ido-double ko pa yung effort ko. Alam mo, kung mayroon mang isang artist na nagsabing walang nilangaw na show, he's lying because everybody is experiencing it," prangkang paglalahad ni Christian.

Isa si Christian sa mga Pinoy singers na madalas kunin for out-of-the-country shows. Kung minsan, sa dami ng mga nagsu-show na mga Pinoy, halimbawa sa Amerika, nagkakaroon ito ng epekto sa mga susunod na shows.



"One time nahirapan kami sa show sa States kasi dikit-dikit. Lahat kami nag-suffer, ako, si Rachelle [Ann Go, his girlfriend], PDA [Pinoy Dream Academy] kasi in the same city tapos dikit-dikit pa yung shows. Sana yung mga producers, mag-usap-usap sila para yung sequence ng concerts, medyo magkakalayo naman ng kaunti. Nag-aagawan kasi sila," obserbasyon ni Christian.

Sa October 6 ay nakatakdang itanghal ang major concert ni Christian sa Cuneta Astrodome. Balita na isang bonggang concert daw ang ibibigay ni Christian para sa mga fans niya. Isa rin kasi itong fundraising concert para sa eskuwelahang pinanggalingan niya, ang Imus Unida Christian School.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I'm preparing my major concert, it's called Christian Inspired. It's also a fundraising show for our school kasi gusto nila ng bagong building. Yung mga kakantahin ko ‘yung mga songs that really inspire me, songs for my fans, for my family and friends, for God na siyang nagbigay ng talent ko."

Ayon pa kay Christian, ito rin daw ang unang pagkakataon na gagamit ng isang napakalaking projector para sa isang concert.

"May video screen din dito, isang projector screen sa mga concerts. Pero this is so huge na first time gagamitin dito sa concert scene sa Philippines. Sa sobrang laki niya, maliit lang ako tapos kita ninyo lahat ng graphics, so it's really different," very proud na sabi ng singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN