Richard Gomez shares his thoughts to the press on the set of "Marimar"


"Napaka-professional ng mga kasama ko ngayon. Hindi ko nae-experienceyung mga pasaway na artista na tulad noon na kapag tinopak, basta nalang mawawala sa set. Mayroon namang sasabihing ‘Pack-up na tayo, ayokonang mag-shoot,'" observes Richard Gomez about his young co-stars.



Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ang taping ng Marimar sa Hotel Pat'il & Beach Resort sa Punta Uian, San Antonio, Zambales, kahapon, September 3. Isa sa mga bida sa naturang teleserye ng GMA-7 ay si Richard Gomez at inimbitahan niya kami na tingnan ang white sand beach sa likuran ng hotel kung saan kinukunan ang ilang mahahalagang eksena ng Marimar.

Hindi siya kasama sa take nina Katrina Halili at Marian Rivera kaya biro ni Katrina na gumaganap na asawa ni Richard, "Renato, ikaw na ang bahala sa mga bisita natin." Renato ang pangalan ng karakter ni Goma sa naturang teleserye.

Maganda at malinis ang beach na tila kuha sa isang postcard.

"Mababaw lamang ‘yan at diyan namamangka si Marimar [Marian] kapag pumupunta sa isla," kuwento ni Richard.

"Enjoy kami sa taping dito dahil very comfortable dito. Provided kami lahat ng kailangan namin ng production, and worth it naman kahit pa three hours ang biyahe papunta rito."

COMEBACK VEHICLE. Two months din palang nagpahinga si Richard pagkatapos ng eleksiyon kung saan tumakbo siyang senador. Sa kasamaang-palad ay hindi nagwagi ang matinee idol.

Bale itong Marimar ang comeback vehicle niya kung saan gumaganap siya bilang ama ni Dingdong Dantes. Richard is only 41 years old while Dingdong is 26.

"Naging anak ko na rin si Dingdong noon sa telefantasya naming Encantadia. For me, it's like having a child when I was 20. At ang nakakatuwa pa, bata naman ang wife ko dito sa story," sabi ni Goma referring to Katrina, who's only 21 years old.

LUCY & JULIANA. Napahalakhak si Richard nang tanungin namin kung hindi ba nagagalit ang wife niyang si Lucy Torres-Gomez sa mga kissing scenes nila ni Katrina.

"Naku, si Lucy pa, enjoy ‘yang panoorin ang Marimar, silang dalawa ni Jualiana. Kapag may kissing scene kami ni Katrina, biro pa niya, ‘Ang sarap naman nun!' Pero si Juliana, ini-explain namin sa kanya na work lang ‘yon ng tatay niya," lahad ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabiro tuloy namin si Richard kung hindi pa ba nila susundan ni Lucy si Juliana, who will turn seven years old this Saturday, September 8.

"Ilang beses na rin kaming nag-try, pero hayaan mo na muna. Ini-enjoy naman namin si Juliana, nasusubaybayan namin ang paglaki niya," sagot ni Goma.

Very proud si Goma sa kanyang unica hija at ipinakita pa niya ang kanyang laptop kung saan nakalagay ang latest shots niya kay Juliana na naka-makeup at naka-posing. Sabi pa ni Goma, si Juliana lang daw ang mag-isang nagme-makeup sa sarili niya.

May shot din na tinuturuang maglaro ng baseball ni Goma ang anak. Ito raw kasi ang latest sport na kinahihiligan ng aktor.

Kuwento ni Goma, "Sa track and field ‘yan sa UP. Gusto raw niyang [Juliana] matutong maglaro ng baseball. 'Yon, tinatamaan siya minsan ng bola, umiyak; pero maya-maya, maglalaro na naman siya. Pero piano at violin ang pinag-aaralan niya ngayon sa Suzuki Music sa Greenhills."

NEW BREED OF STARS. Samantala, kinumusta namin kay Richard ang mga young stars na kasama niya sa Marimar, gaya nina Dingdong, Marian, at Katrina.

"Natutuwa ako sa new breed of stars ngayon, napaka-professional nila," sabi niya. "May missing factor lang sa kanila. Sana magkaroon sila ng isang magandang movie na magpapakilala sa kanila. Ang dami kasi ngayong mga TV stars.

"Pero napansin ko, wala sa kanila ang pagka-flip ng mga artista noon. Napaka-professional ng mga kasama ko ngayon. Hindi ko nae-experience yung mga pasaway na artista na tulad noon na kapag tinopak, basta na lang mawawala sa set. Mayroon namang sasabihing ‘Pack-up na tayo, ayoko nang mag-shoot.'

"Sila, kapag 6 a.m. ang call, bago pa ang call time, narito na silang lahat. Mahuhusay silang umarte, ‘yang si Marian, si Katrina, si Sheena [Halili], si Dingdong, si Nadine [Samonte]."

May mga binanggit na mga pangalan si Goma ng mga artista na nagkaroon siya ng bad experience. Natatawa na lang daw siya kapag naaalaala niya ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHARON CUNETA. Tinanong namin siya kung may na-experience ba siyang ganun sa Megastar na si Sharon Cuneta. Limang pelikula na kasi ang pinagsamahan nila dati.

"No, napakasipag magtrabaho ni Sharon dahil naniniwala siyang ang perang kanyang kinikita ay kailangang paghirapan," sabi ni Goma.

Nabanggit tuloy ni Richard na may initial talk daw na gagawa sila ng movie ni Sharon next year sa GMA Films with Chito Roño as their director.

STILL 'PAPABLE.' Binanggit din namin kay Goma ang resulta ng isang survey kung sino ang mga pinagpapantasyahang male stars ng mga kababaihan. Lumabas sa survey na pangalawa si Goma samantalang No. 1 si Piolo Pascual at No. 3 naman si Richard Gutierrez.

Natawa si Goma sa resulta ng survey, pero sinabi niya na siguro ay dahil sa healthy living niya kaya siya napasama sa listahan ng mga pinagpapantasyahang male stars.

JOEY MARQUEZ. Samantala, kinuha rin namin ang reaksiyon ni Goma sa kasong kinahaharap ngayon ng kaibigan niyang si Joey Marquez. Napatunayan kasi ng Sandiganbayan na nagkasala si Joey sa kasong graft and corruption kaugnay ng anomalya sa pagbili ng walis-tingting noong nakaupo pa ito bilang mayor ng Parañaque.

"After malaman ko ang tungkol sa kaso niya, tinawagan ko agad siya at kinumusta. Kung ano ang maitutulong ko sa kanya, okay daw naman siya. Huwag daw akong mag-alaala," sabi ni Goma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN