Willie Revillame takes a leave from "Wowowee"


Wowowee host Willie Revillame did not report for work yesterday, September 3. Although Willie's reason for taking a leave was not disclosed, rumor has it that it has something to do with the "Wilyonaryo" controversy.



No show si Willie Revillame sa programa niyang Wowowee kahapon, September 3. Hindi rin sinipot ng controversial TV host ang taping ng nabanggit na programa right after the live show yesterday, kung saan karamihan sa mga naglaro sa "Wilyonaryo" portion ay mga miyembro ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Ang young actor na si John Lloyd Cruz ang pansamantalang humalili kay Willie, along with Pokwang at ang mga regular co-hosts ng Wowowee na sina Mariel Rodriguez and Valerie Concepcion.

Sampung araw diumano ang hinihinging bakasyon ni Willie mula sa show sa isang hindi malamang dahilan.

Bukas ng gabi, September 5, ay nakatakdang lumipad si Willie patungong United States para sa show nito sa Las Vegas, Nevada, kasama sina Piolo Pascual, Sam Milby, at Pokwang.

Lahat ay naghahanap kay Willie at nagtatanong kung bakit hindi nito sinipot ang show niya. Ayon sa source ng PEP na konektado sa produksiyon ng Wowowee, nagpaalam naman daw si Willie sa management.

Pero ayon sa aming source ay ikinasama raw ng loob talaga ni Willie ang pagbibintang sa kanya na mandaraya. Paano nga naman daw kasi nito ihu-host ang isang programang kinukuwestiyon ang kredibilidad?

Every time daw na nakikipagtawaran si Willie sa nanalong contestant sa "Wilyonaryo" ay nandun parati ang pagdududa ng mga tao na baka may dalawang numero na namang nakatago sa iisang lalagyan.

Kaya bago raw bumalik si Willie sa programa ay hinihiling diumano nito sa management na linisin o palitan ang mga staff ng show na naging pabaya sa trabaho na naging dahilan kung bakit nagkaroon ng kontrobersiya noong August 20.

Kahapon sa presscon ng 1 vs. 100 ay nagbigay ng panibagong statement ang ABS-CBN through its PR head na si Bong Osorio. Ayon sa kanya ay nakahanda ang ABS-CBN, partikular ang mga nasa Wowowee, na harapin at sagutin ang anumang akusasyon na ibinabato laban sa programa ni Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN