Paolo Paraiso stays away from ex-girlfriend Mylene Dizon's affairs


"Noong mag-decide kaming maghiwalay na ni Mylene, we have lived our ownlives. Ang pinaka-connection na lang namin ay si Tomas. Mas nakatutokkami sa future ng bata. Doon kami nagkakausap at nagkakasundo. Otherthan Tomas, kanya-kanya na kami," says sexy actor Paolo Paraiso about his relationship with ex-partner Mylene Dizon.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa sexy actor na si Paolo Paraiso, sinabi nitong hindi raw niya ugaling makialam sa nagiging problema ng kanyang dating live-in partner na si Mylene Dizon. Ayon kay Paolo, kaya na raw kasi ni Mylene na harapin ang mga problema nito at kapag nanghimasok siya, baka raw sabihing nakikialam pa siya.



Balita kasing nakipagbalikan na si Mylene sa dati nitong boyfriend, ang miyembro ng bandang Bamboo na si Ira Cruz—na ex-boyfriend naman ng TV personality na si Phoemela Baranda. Nagkaroon pa nga raw ng confrontation between Mylene and Phoemela noong magkita sila sa isang showbiz event.



"Hindi ko alam yung details, pero knowing Mylene, hindi makikipag-away ‘yan," pagtatanggol ni Paolo. "Makikipag-usap siya nang maayos, pero ‘yung makipag-away in public, hindi ganyan si Mylene. She's not that kind of person. Sa tagal naman ng pinagsamahan namin, wala akong nakitang inaway niya or sinugod niya."



Hindi rin daw nagtatanong si Paolo regarding sa balikan issue ni Mylene with Ira. Kung ano man daw ang gustong gawin ni Mylene, basta hindi makakaapekto sa kanilang anak na si Tomas, okay lang kay Paolo.



"Noong mag-decide kaming maghiwalay na ni Mylene, we have lived our own lives. Ang pinaka-connection na lang namin ay si Tomas. Mas nakatutok kami sa future ng bata. Doon kami nagkakausap at nagkakasundo. Other than Tomas, kanya-kanya na kami. Kaya yung issue with Ira, wala akong alam though kaibigan ko si Ira from way back pa," lahad ng sexy actor.



After Mylene ay mukhang nakatagpo na ng bagong mamahalin si Paolo sa katauhan ng modelong si Pia Cabrera, na dating girlfriend ni Vic Sotto.



"We're starting off okay," sabi ni Paolo tungkol kay Pia. "Pareho naman kasi kaming busy kaya panakaw na lang ang dates namin. Right now, sunud-sunod ang projects ko with GMA-7, kasi I'm with GMA Artist Center na. Like ngayon, tinatapos na lang namin ang ilang mga scenes for Impostora. Maganda naman kasi yung may inspirasyon ka sa trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Natutuwa rin si Paolo dahil napasama na naman siya sa lisatahan ng top Cosmopolitan bachelors. Tatlong taon din daw siyang hindi nakasama sa listahan dahil sa naging relasyon nila ni Mylene. Ngayong balik na ulit sa pagiging bachelor si Paolo, pasok na naman siya sa Top 10, kung saan kasama rin niya ang mga kapwa Kapuso stars niyang sina Dingdong Dantes at Alfred Vargas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN