Angelica Jones cries after revealing one-year relationship with Paolo Bediones


A polygraph test confirmed Angelica Jones's revelation that she had a relationship with former Extra Challenge host Paolo Bediones.



Hindi napigilang umiyak ng sexy comedienne na si Angelica Jones pagkatapos ng kanyang guesting sa Showbiz Central noong Sunday, September 2, dahil sa pag-amin nito na nagkaroon sila ng relasyon ng TV host na si Paolo Bediones.



Ayon sa mga nakarinig sa pag-e-emote ni Angelica habang papaalis ito sa Broadway Centrum, hindi na raw niya kayang itago pa ang naging relasyon nila ni Paolo. Matagal na kasing natsismis na may tagong relasyon sina Paolo at Angelica. Pero tuwing tinatanong si Paolo ay umiiwas ito, samantalang si Angelica ay tila kating-kati nang aminin pero tila may pumipigil naman sa kanya.



Kaya noong isalang si Angelica sa segment ni John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central na "Don't Lie To Me," kung saan ginamitan ang sexy comedienne ng lie-detector test, hindi na niya nagawang magsinungaling nang tanungin siya ni Sweet kung totoong nagkaroon sila ng relasyon ni Paolo.



Isang source na malapit kay Paolo ang nagsabi sa PEP na totoo ngang nagkaroon ng relasyon ang dalawa. Nagsimula raw ito sa Extra Challenge at tumagal daw ang kanilang relasyon ng isang taon. Natatandaan naming nag-guest noon si Angelica sa episode ng Extra Challenge na kinunan pa sa India.

Hindi lang namin alam kung ide-deny ito ni Paolo dahil galing na mismo sa bibig ni Angelica na nagkaroon sila ng relasyon. Kinumpirma naman ng polygraph test ang sagot ni Angelica.

Pero kilala sa pagiging pribado pagdating sa kanyang lovelife si Paolo kaya posibleng hindi rin siya magsalita tungkol sa naging relasyon nila ni Angelica. Balitang ang girlfriend ngayon ni Paolo ay Bb. Pilipinas runner-upna si Abby Cruz, na lumabas din bilang girlfriend ni Richard Gutierrezsa Lupin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN