Dingdong Dantes excited about his first Cosmo Bachelor Bash


"Workout at ingat sa pagkain. Ang hirap lang i-maintain para huwag akongtumaba uli. Nilagang itlog at kamote ang lagi kong kinakain. Lagi akongmay baong kamote," shares Dingdong Dantes about his preparations for his first-ever Cosmo pictorial.



Kinakitaan ng excitement ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong Dantes sa first time niyang pagrampa sa Cosmo Bachelor Bash na gagawin sa NBC Tent sa Huwebes, September 6. Ang young actor ang cover ng supplement ng September 2007 issue ng Cosmopolitan at siguradong siya ang aabangan ng majority ng pupunta sa nasabing okasyon.



Sa panayam ng PEP kay Dingdong sa set ng Marimar sa Punta de Uian, San Antonio, Zambales, kahapon, September 3, hindi nito maitago ang kanyang tuwa. Isa sa mga inalam nito ay kung anong crowd ang usually nanonood sa mga ganitong tipo ng palabas. Ang ganda ng ngiti ni Dingdong sa birong lalake, babae, bading, yuppies, matrona, bata, at matanda ang asahan niyang makakakita ng kanyang four-pack abs.



Ayon sa ilang eyewitness, hubo't hubad daw talaga si Dingdong sa kanyang pictorial at plaster lang daw ang nakatakip sa maselang bahagi ng katawan ng young actor.

Paano nga ba siya nakumbinsing mag-pictorial ng ganun ka-sexy at daring? Ano ang ginawa niyang paghahanda?



"Naimbitahan ako at umokey ang schedule ko, so why not? Ang alam ko, si Richard [Gutierrez] ay nag-cover na rin sa supplement. Hindi lang naman ako ang Kapuso stars na rarampa, makakasama ko sina Alfred Vargas at Paolo Paraiso. Thankful ako sa Marimar at sa role kong si Sergio dahil naimbitahan ako dahil doon," sabi ni Dingdong.



"Paano ko pinaghandaan? Workout at ingat sa pagkain. Ang hirap lang i-maintain para huwag akong tumaba uli. Nilagang itlog at kamote ang lagi kong kinakain. Lagi akong may baong kamote," dagdag na kuwento ni Dingdong. Saksi ang PEP na nilagang itlog ang merienda niya habang ang mga kasama niya sa Marimar ay turon, banana cue, at camote cue ang kinain.



Mula nang pumayat, iniwasan na raw ni Dingdong na kumain ng beef at pork. Fish na ang favorite viand niya ngayon at tumigil na rin siya sa pag-inom ng alak na hilig daw niya noon. Sa halip, Gatorade ang nakita ng PEP na nilaklak nito na pang-flush out daw kung anuman ang dapat maalis sa kanyang sistema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN