Singer Sheryn Regis wants to try her luck abroad


"I know that this singing career will not be forever. I have my family,siyempre kailangan ko silang buhayin. Ang hirap din kasi kung ito[showbiz] lang ang pagtutuunan mo, if you focus on this industry. Noteverybody is stable in this business," explains Sheryn Regis.



Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ngayon ng singer na si Sheryn Regis, sinabi nito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang desisyon nitong mangibang-bansa at subukan ang suwerte niya roon.



Tiyak na pagtatakhan ang planong ito ni Sheryn dahil hindi naman siya nawawalan ng raket bilang singer dito sa Pilipinas. Pero ayon kay Sheryn, aware siya sa realidad na walang stability na maaasahan ang kahit na sino sa mundo ng showbiz.



"When it comes to my career, I'm still with ABS. But I have plans to be in another country. I know that this singing career will not be forever. I have my family, siyempre kailangan ko silang buhayin. Ang hirap din kasi kung ito [showbiz] lang ang pagtutuunan mo, if you focus on this industry. Not everbody is stable in this business," paliwanag ni Sheryn.

Ayon kay Sheryn ay nasa proseso na ang mga papales na kailangan niya para sa plano niyang magtrabaho abroad.



"It's still in the process, but it's really good because marami din naman akong commitments na dapat tapusin. I have to wait 12 to 15 months pa," sabi ni Sheryn.

Medyo matagal ding hindi napanood si Sheryn sa ASAP '07. Ayon sa Cebuana singer, ang dahilan ng madalas niyang pagliban sa naturang musical-variety show ng ABS-CBN ay dahil sa mga out-of-the-country shows niya.

Natutuwa nga si Sheryn dahil tinatangkilik daw ng mga Pinoys abroad ang mga shows niya. Very proud ding sinabi ng singer na, so far, ay matagumpay lahat ng mga naging concerts niya abroad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN