Aljur Abrenica and Kris Bernal: Back in each other's arms


After Kris Bernal (left) was paired with Mart Escudero, Aljur Abrenica (right) had to stop showing his feelings for the young actress. But now that Mart is being paired with Jenica Garcia, Aljur and Kris are now back in each other's arms.



Back in each other's arms ang young stars na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal. For some time, nagkahiwalay sila ng landas dahil kay Mart Escudero ipinareha si Kris. Subalit ngayon, nanumbalik na ang bonding ng young actress at ni Aljur sa Boys Nxt Door, ang youth-oriented show ng GMA 7.

"Basta these past few days, lagi lang po akong nasa tabi ni Kris para mag-advise sa kanya. Para ko na siyang sister, ewan ko kung sister or friend," pahayag ni Aljur sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ngayon kasing kay Jenica Garcia na itinatambal si Mart, nanumbalik ang extra-closeness nina Aljur at Kris na nagsimula during their StarStruck Batch 4 days, na humantong pa nga sa mutual understanding. Naudlot lamang ito sa ngalan ng career dahil sina Kris at Mart ang nanalong Ultimate Loveteam.

Pero mukhang malakas ang kapangyarihan ng pag-ibig, dahil pagkatapos nakatagpo ang GMA-7 ng panibagong ka-loveteam si Mart in the person of Jenica, heto nga't muling bumalik ang tamis ng nakaraan nina Aljur at Kris. Kaya nga sa pagpasok ni Jenica sa Boys Nxt Door, solong-solo na ni Aljur ulit si Kris.

Ayon kay Aljur, wala siyang nararamdaman kahit na kaunting galit kay Mart. Ito ay sa kabila ng lumalabas na issue na basta na lang iniwan ni Mart si Kris in favor of Jean Garcia's daughter. In fact, hanggang ngayon, best friend pa rin daw ang trato ni Aljur kay Mart.

Ipinahayag din ni Aljur na ang lahat ng tao ay may kalayaang gumawa ng sarili nilang desisyon, na magkaroon ng sariling choice. Kaya kung kay Jenica raw nakahanap ng panibagong ka-loveteam si Mart, nirerespeto ‘yon ni Aljur.

Hindi naman diretsahang masabi ni Aljur kung ikinatuwa niya na muling napunta sa kanya si Kris bilang kapareha. Although halatang masaya siya, sinabi ng StarStruck Batch 4 Ultimate Hunk na neutral lamang siya sa takbo ng mga pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw priority ni Aljur ang personal niyang damdamin ngayon. Pumasok daw siya sa showbiz para matupad ang pangarap niyang sumikat at umasenso ang buhay. Pero hindi itinatanggi ni Aljur na hanggang ngayon ay mahal niya si Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN