Katrina Halili wants to settle in Palawan


"Gusto ko pong magpatayo ng bahay sa farm ko sa Palawan. May eighthectares po ang farm at kasalukuyan kong ginagastusan ang pagpapalinisnito para mataniman ng mga fruit-bearing trees at kung ano pongpuwedeng pagkakitaan doon. Mayroon lang isang bahay-kubo doon dahildoon na nakatira ang stepfather ko at ang brother ko, para may mauuwiandin ako kapag pumupunta ako roon. Gusto ko pong doon tumira talaga," says Katrina Halili about her farm in Palawan.



Three days ding na-confine ang sexy young actress na si Katrina Halili sa St. Luke's Hospital in Quezon City for a viral infection. Kinailangan niyang lumabas agad ng hospital para makapag-taping na siya ng eksenang ipalalabas ng Marimar sa Friday, September 7, kung saan pinagtulungan nina Katrina (Angelika) at Sheena Halili (Monica) si Marian Rivera (Marimar).

Ito ang eksenang inabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nang dalawin namin ang taping ng Marimar sa San Antonio, Zambales, noong September 3.

Dahil kontrabida na naman ang role ni Katrina sa Marimar, naitanong namin sa kanya kung wala pa bang nagmumura sa kanya kapag nakikita siya sa labas.

"Wala pa po. Pero baka po may tuluyan nang magalit sa akin dahil pasama na nang pasama ang character ko dito!" natatawang sabi ni Katrina.

Pero pagkatapos daw ng Marimar, gusto muna raw magpahinga ni Katrina sa kontrabida roles.

"Four years na po ako sa showbiz. Pero simula pa sa Forever in My Heart, Darna, Majika, Atlantika, at dito sa Marimar, puro kontrabida na ang roles ko. Sa Lupin lang medyo naiba ang character ko," banggit ni Katrina.

"Hindi naman po sa ayoko nang gumanap na kontrabida, pero gusto ko namang i-try ang mag-comedy for a change at mawala naman ang tingin ng tao sa akin na isa akong maldita. Ayoko naman pong kung kailan ako tumanda, saka ako magko-comedy."

Aminado si Katrina na kahit mahirap ang role niya bilang mapanglait na si Angelika sa Marimar, enjoy raw siya dahil napaglalaruan niya ang mga eksena.

Gumaganap bilang asawa ni Katrina sa Marimar ang isa sa top leading men ng bansa na si Richard Gomez. Hindi ba siya nailang na mag-asawa ang role nila at may mga kissing scenes pa sila?

"Napaka-professional po ni Kuya Richard at masarap po siyang ka-eksena," sabi ni Katrina. "Totoo po noong una, nagse-shake ako dahil first time kong makipag-kissing scene sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FARM IN PALAWAN. Samantala, nang mapunta ang usapan sa lovelife ay sinabi ni Katrina na ayaw raw muna niyang magkaroon ng karelasyon dahil gusto niyang matupad ang kanyang pangarap na makapagpatayo ng sarili niyang bahay.

"Gusto ko lang pong magtrabaho nang magtrabaho ngayon dahil gusto kong makapagpatayo ng sariling bahay. Nagre-rent lang ako ng condo, kasama ko si Mommy at ang yaya ko.

"Gusto ko pong magpatayo ng bahay sa farm ko sa Palawan. May eight hectares po ang farm at kasalukuyan kong ginagastusan ang pagpapalinis nito para mataniman ng mga fruit-bearing trees at kung ano pong puwedeng pagkakitaan doon. Mayroon lang isang bahay-kubo doon dahil doon na nakatira ang stepfather ko at ang brother ko, para may mauuwian din ako kapag pumupunta ako roon. Gusto ko pong doon tumira talaga," kuwento ni Katrina tungkol sa kanyang property sa Palawan.

Ibig bang sabihin nito ay magreretiro siya ng maaga sa pag-aartista?

"Hindi naman po," paglilinaw niya. "Hanggang gusto ako ng mga tao, nandito ako. Gusto ko lang pong maayos ang farm namin sa Palawan dahil gusto ko pong doon talaga kami tumira ng family ko."

NEXT PROJECT. Balitang kay Katrina ibibigay ng GMA-7 ang lead role sa TV remake ng Angela Markado, na unang ginampanan sa pelikula ng premyadong aktres na si Hilda Koronel. Ipinakuwento ng young actress kung ano ang istorya ng Angela Markado dahil wala raw siyang alam kung tungkol saan ito.

Sinabi namin sa kanya na ang Angela Markado ay istorya ng isang rape victim na minarkahan ang katawan ng mga pangalan ng mga nang-rape sa kanya. Pagkatapos ay isa-isang binalikan ni Angela ang mga gumahasa sa kanya para maghiganti.

"Sana, pero wala pa po akong alam tungkol doon. Wala pa pong sinasabi sa akin ang GMA-7," sabi ni Katrina nang tanungin kung may formal offer na sa kanya upang gawin ang naturang proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN