Ara Mina ventures into movie producing


"Talagang naengganyo ako na mag-produce na rin. Sa nakita ko sa ginagawa namin sa Selda from my director down to the staff, talagang buong puso. Yung hindi muna ang kikitain ang isinasaksak sa isip. Kaya lumalabas na maganda at maayos ang pelikula kasi walang restraints. Tapos sa buong mundo pa napapanood dahil sa mga festivals," says Ara Mina about producing movies.



Kahit na inabot ng aberya ang pag-alis ng sexy actress na si Ara Mina sa mga pagtatanghal niya sa iba't ibang panig ng United States, naging fruitful pa rin namang masasabi ang kanyang paghabol sa tatlong shows na nasalangan niya—sa San Francisco, Las Vegas, at sa Winnipeg, Canada, kung saan nakasama niya sina Freddie Aguilar at Viva Hot Babe Ella V.



Ayon sa kuwento ni Ara sa PEP (Philippine Entertainment Portal), nagkaroon daw sila ng pagkakataon ni Ka Freddie na mag-bonding sa Winnipeg. Napag-usapan nila ang mga bagay na may kinalaman sa paggawa ng pelikula.



"Tuwang-tuwa ako nung sabihin sa akin ni Ka Freddie na payag siyang ibigay sa akin ang rights ng kanta niyang ‘Magdalena' para i-produce ko next year. Nakabuo na rin kami ng script for this kaya excited din ako dahil yung isang role na pangarap ko, dito magkakaroon ng katuparan sa project na ito," lahad ni Ara.



"Kaya sa pagkukuwentuhan namin ni Ka Freddie sa Amerika, ito na nga yung nabuo. I am also planning to produce yung bale magiging launching movie ng sister kong si Cristine [Reyes]. Susugalan ko ito para sa kapatid ko. Kaya lahat naman ng puwede niyang ibigay for the project, I'm sure na ibabahagi niya."

Dagdag pa niya, "No less than directors Peque Gallaga and Lore Reyes ang magha-handle ng script and direction nito. Both projects will be done next year. Kaya nga gusto ko nang mabenta na yung bahay ko dahil yung perang mapapagbentahan nun, doon ko naman kukunin ang gugugulin ko for these two projects."

Bago pa man lumipad si Ara patungong North America, natuwa na ito sa pagsalang niya sa indie film na Selda na pinagbibidahan din nina Sid Lucero at Emilio Garcia. Kasabay sa pagtapos niya sa mga eksena niya sa Anak ni Kumander nila ni ni Manny Pacquiao, sinubukan ni Ara na gumawa ng isang pelikulang hindi komersiyal, pero sigurado namang iikot sa iba't ibang film festivals abroad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Talagang naengganyo ako na mag-produce na rin," sabi ni Ara. "Sa nakita ko sa ginagawa namin sa Selda from my director down to the staff, talagang buong puso. Yung hindi muna ang kikitain ang isinasaksak sa isip. Kaya lumalabas na maganda at maayos ang pelikula kasi walang restraints. Tapos sa buong mundo pa napapanood dahil sa mga festivals.

"Kaya ako, sabi ko sa direktor ko [sa Selda] na si Paolo Villaluna, I don't mind na mag-spend kung maganda naman ang magiging end product at maipagmamalaki mo pa sa buong mundo. Sa script ng Magdalena, I am thinking of Adolf Alix—na nakasama ko na sa Kahapon May Dalawang Bata nung nagsisimula pa lang siya—na sumulat nito para sa akin. At si Ka Freddie, lalagyan niya ng bagong twist ang sikat sa buong mundo rin niyang kantang ‘Magdalena,'" very excited na kuwento ng sexy actress.

With her new vision as far as indie movies are concerned, marami ring mga tao ang matutulungan si Ara.



"Ang isang thrill din kasi sa akin, yung makarating ang pelikula sa iba't ibang festivals abroad. Like itong Selda, ngayon pa lang, marami nang invitations. Meron sa Korea, meron din sa Greece. Ang mai-share natin sa ibang mundo what we have is something na talagang pride na para sa ating mga nasa industriya ng pelikula.

"Alam mo naman ako, goal-oriented. Kaya meron o walang love life, ang priority ko talaga ibinubuhos ko sa trabaho ko dahil gusto kong marami pang marating. Ipon, invest, tulong," sabi ni Ara bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN