Anonymous text message tries to create tension among Allan K, Chokoleit, and Sweet


According to a text message received by PEP yesterday, gay comedians Allan K. (right) and John "Sweet" Lapus (left) are ganging up on Chokoleit (middle) for the role in the comedy film Pasukob. Sweet and Allan's manager denied the allegation.



Nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng anonymous text message kahapon, September 5, mula sa cell number na +639053410140. Ito ang nilalaman ng naturang text message:



"Uy, pinatanggal daw ni Allan K si Chokoleit sa pelikulang Pasukob ng OctoArts. Si Choko dapat yung best friend ni Ai-Ai [delas Alas] pero pinakiusapan ni Allan K si Ai-Ai na siya na lang. Ginawang friend na lang ni Rufa Mae si Choko pero kay Sweet [John Lapus] naman ibinigay. Pinagtulungan ni Allan at Sweet si Choko. Wawa naman."

Kaagad tinawagan ng PEP si Sweet upang itanong kung aware siya sa text message na ito. Ayon kay Sweet, nakatanggap din daw si Ogie Diaz ng same message at tinanong din daw siya nito kung totoo nga ba ito.

"Hindi ko alam ang tungkol diyan," sabi ni Sweet. "Kung sino ‘yan, baka gusto lang kaming pag-awayin nina Allan at Chokoleit. Pero ang issue naman dun is between Allan and Chokoleit, di ba? Kaibigan ko silang pareho.



"Sa pagkakaalam ko, si Allan ang sidekick na ni Ai-Ai sa Pasukob. Cameo role na lang ako kasi naging sidekick na ako ni Ai-Ai noon sa Ang Cute Ng Ina Mo. Mas mahaba ang role ni Allan sa movie kesa sa akin. Ang alam ko nasa cast pa si Chokoleit. Ang tanungin nila siguro si Boss Orly [Ilacad] ng OctoArts Films kasi sila ang producer niyan," sabi ni Sweet.



Tinanong din ng PEP ang manager ni Allan K na si Jun Nardo tungkol sa anonymous text message na obviously ay pinasasama ang imahe ni Allan.

Heto ang sagot ni Jun sa amin through text message: "Walang ganun. Ke nandoon si Chokoleit, kasama pa din si Allan. Wala kasi ako noong story conference, pero nandoon si Allan. Hindi ko alam kung pumunta si Chokoleit. Si Ai-Ai naman ang kaeksena ni Allan sa movie kaya tinanggap niya yung movie."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ayon pa kay Jun, hindi na nga raw bago ang iringan between Allan and Chokoleit na matagal nang panahon na nagsimula. Lagi naman daw may ganyan kapag nagkakaroon ng project ang alaga niya at si Chokoleit.



"What else is new? Hindi pa nga nakakapag-shoot si Allan for the movie. Pero hindi na papatulan ni Allan ‘yan. Alam naman niya na kasama si Chokoleit sa movie. Tinanggap pa rin ni Allan yung movie. Kaya sa part ni Allan, walang problema," sabi pa ni Jun.



Ang comedy movie na Pasukob ay pinagbibidahan nina Ai-Ai delas Alas at Rufa Mae Quinto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN