Richard Gutierrez has two new leading ladies in "Kamandag"


Richard Gutierrez will have three leading ladies in his new GMA-7 show, Kamandag. Aside from Ehra Madrigal, Richard will be paired for the first time with Maxene Magalona (inset, top) and Jewel Mische (inset, bootom).



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Richard Gutierrez sa presscon ng RRRampa For A Cause 2007 na ginawa sa Imperial Suites kaninang tanghali, September 6. Sumaglit ang young actor mula sa taping ng Nuts Entertainment and after the presscon, bumalik din agad siya sa taping.



Nangako si Richard na this time daw ay hindi mauubusan ng mabibiling damit at gamit nila ng kakambal na si Raymond Gutierrez ang mga darating sa Rockwell Tent sa September 16. Hahatiin daw nila ang ibebentang gamit at damit para sa mga late na darating.



Kasama raw sa mga ibebenta ni Richard ang damit na ginamit niya sa TV at pelikula, kabilang ang ginamit niya sa Lupin. Blazers, suits, at ibang outfits naman ang ipinangako ni Raymond. Ia-adjust din daw nila ang prizes para ma-afford ng lahat.



Maglalagare si Richard sa taping ng bago niyang show sa GMA-7 na Kamandag at shooting ng horror movie na Dagaw, kaya inaayos na mabuti ang kanyang schedule. Baka raw mag-overlap pa ang kanyang schedule at magiging mahirap ito sa kanya dahil sa Camarines Norte pa ang shooting nila ng movie under director Chito Roño.



Kinumpirma rin ni Richard na isa nga si Maxene Magalona sa leading ladies niya sa Kamandag. Si Maxene din dapat ang leading lady ni Richard noon sa Mulawin, pero hindi tinanggap ng anak ni Francis Magalona ang offer at napunta ito kay Angel Locsin.

Ano ang masasabi ni Richard sa bago niyang kapareha?



"Nagkita kami sa storycon at sabi ko sa kanya, I'm very excited to work with her. Finally, she's giving GMA a chance to have her. I'm very honored na tinanggap niya ang project, knowing that she's very busy sa school. She sets an example sa mga artista na napagsasabay ang school at career," sabi ni Richard tungkol kay Mexene.

Bukod kay Maxene ay kapareha rin ni Richard sa Kamandag sina Jewel Mische at Ehra Madrigal. Si Ehra ay nakasama na ng young actor sa Lupin, pero si Jewel ay first time pa lang niyang makakasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"With Jewel, ever since, I wanted to work with her already. I suggested her, di naman requested, sa brainstorming ng GMA. Also, she fits to the role," paliwanag ni Richard tungkol sa StarStruck Batch 4 winner.



Samantala, magkakaroon din ng booth si Angel sa RRRampa For A Cause, pero bago ‘yon ay magkikita sila sa shoot ng Head & Shoulders TV commercial sa Bangkok. Sa September 10 sila aalis.

Tatawagan din daw ni Richard si Angel pagdating niya mula Hong Kong para pasalamatan sa pagtanggap sa invitation nilang sumali sa fundraising event.



Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni Richard sa posibleng pagtatapat ng Kamandag at ng teleserye nina Angel at Piolo Pascual sa ABS-CBN.



"I'm looking forward to it. Weird lang, pero exciting at positive ang tingin ko. I think it will help the industry and the two networks. Mas may challenge sa akin at sa kanya. Pagandahan na lang kami ng shows," nakangiting sabi ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN