Edu Manzano happy for the success of his new game show


"Sabi nga nila, you're only as good as your last show. It fell in a newcycle now na nauuso na naman ang mga game shows at malaki angfollowing. Natutuwa rin kami na ang ganda ng ratings," says Edu Manzano about the success of his new game show, 1 vs. 100.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Edu Manzano noong September 3 sa presscon ng 1 vs. 100, ang newest game show niya sa ABS-CBN na ipinapalabas every Saturday. Happy si Edu dahil sa mataas ang rating ng bagong game show dahil sa unang telecast nito ay nakakuha ito ng 27 percent.

Overwhelmed si Edu sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanyang bagong game show.

"Sabi nga nila, you're only as good as your last show. It fell in a new cycle now na nauuso na naman ang mga game shows at malaki ang following. Natutuwa rin kami na ang ganda ng ratings. Kinakailangan pa rin na manatiling exciting. Huwag mong iisipin na porke mataas na ang ratings mo, e, tuluy-tuloy na ‘yan. We look at it as our first day and hopefully hindi magsawa ang mga tao," pahayag pa ng Optical Media Board (OMB) Chairman na host din ng Pilipinas, Game KNB?.

"Cycle lang ‘yan. Ganyan lang ang buhay. Minsan nasa itaas ka, minsan nasa ibaba. I am lucky and I hope to stay lucky even longer," dagdag niya.

GAME SHOW CONTROVERSY. Hindi naman daw sila naapektuhan na kung kailan nila sinimulan ang pagpalabas ng 1 vs. 100 ay may kontrobersiya naman sa isa pang game show ng ABS-CBN, ang Wowowee.

"This [1 vs. 100] program is being aired in 30 countries worldwide. Yung system nila is already in place. We are not worried that we are going to have any technical glitch. Wala rin itong design glitch kasi kung mayroon man, dapat noon pa ito nangyari. It should have manifested itself doon sa ibang bansa. Kung nagkaroon man ng problema, inaayos na ‘yan," sabi pa ni Edu na halatang paborito ng ABS-CBN, with the number of shows he's doing for the Kapamilya network.

Ano naman ang komento niya sa word war nina Joey de Leon ng Eat Bulaga! at Willie Revillame ng Wowowee?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I didn't get to see the incident na sinabing pinagmulan ng kanilang word war. But you know, there are only two competing TV stations in this country talaga, tapos when you see two talking heads na hindi nagkakasundo, it's rather nakakalungkot. Pero I hope magkasundo na sila because, in the end, we are only here for one person—that is the televiewer. We are only here for the public. Let us do our best to nurture our viewing public," aniya.

GOLD-RECORD AWARD. Bukod sa maganda ang ipinakita sa ratings ng bago niyang programang 1 vs 100, nag-gold na rin ang kanyang album under Universal Records na naglalaman ng sikat na awiting "Papaya." Gusto na nga raw siyang bigyan ng plaque ng Universal Records para sa outstanding sales ng album.

Sabi ni Edu sa presscon ng 1 vs. 100 noong Lunes, lahat daw ng kikitain ng album niya ay kanyang ido-donate sa anti-child pornography campaign na isa sa kanyang advocacies.

Dahil may gold record pa siya, sabi ni Edu na tiyak lahat daw ng klaseng pang-aalaska ay aabutin niya sa kanyang anak na si Luis Manzano. Baka raw hindi raw muna niya tanggapin ang gold record award o di kaya ay ire-receive niya ito in absentia.

LUIS & ANGEL. Hiningi rin ng PEP ang komento ni Edu sa issue na "user-friendly" ang anak niyang si Luis dahil sa pagsasabi nito na crush niya ang bagong lipat sa ABS-CBN na si Angel Locsin. Binibigyan kasi ng ibang kulay ang pagpapahayag na ito ni Luis.

"Well, it is not hard to like Angel Locsin," pagsang-ayon ni Luis. "She's very talented. I like her because she's very straightforward, she's very open. She has certain qualities na kahit na sinong lalake would learn to appreciate sa isang babae. Hindi ko alam kung saan sila papunta. All I know is that my son has only the most honorable intention. I hope that they continue to enjoy each other's company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tungkol naman sa sinasabi nila na user-friendly si Luis, ‘yan din naman ang sinasabi nila sa akin noon. You know, wala, e. You know, kaming mga Manzano, by nature, makukulit kami talaga. You know, we're very, very friendly. Tignan mo lahat ng mga na-link kay Luis, are all very interesting characters—Jodi Sta. Maria, Anne Curtis, Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, Nancy Castiglione, and now Angel Locsin—lahat sila outspoken, talented, interesting, makulay."

Boto ba siya kay Angel for Luis?

"Boto ako kay Angel," sagot ni Edu. "What little I know of her is that tinulungan ko lang siya sa isang bahagi ng buhay niya lately, which I know she was given a raw deal and I wanted to correct that misconception. But she shows how grateful she is. She's a very, very sweet lady. You know sometimes, try muna to enjoy each other's friendship. Friendship is a wonderful thing to happen to a person."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN