Iwa Moto's dream house is nearly finished


"Nagsisikap ako para makapagpundar, like malapit nang matapos yungbahay ko. Iba kasi kapag may nakikita kang naipupundar mo, e. Ito po'ykatas ng pawis at dugo ko galing sa showbiz," says young sexy actress Iwa Moto.



Malapit nang matapos ang bahay na ipinapagawa ni Iwa Moto sa Las Piñas, kaya naman lalong ganadong magtrabaho ang sexy young actress na produkto ng StarStruck ng GMA-7. Unti-unti na kasing nagkakaroon ng katuparan ang kanyang mga pangarap sa buhay at utang niya ito sa mundo ng showbiz.

Kabilang sa mga projects ni Iwa sa Kapuso network ang Nuts Entertainment, Kung Mahawi Man Ang Ulap, at ang malapit nang mapanood na Zaido (Pulis Pangkalawakan). Kaya ngayon ay sa kanyang showbiz career nakasentro ang atensiyon ng 18-year-old na young actress at wala raw siyang panahon sa boys.

Although aminadong lima ang kasalukyang nanliligaw sa kanya, sinabi ni Iwa na hindi pa siya handang magmahal muli. Ang huling boyfriend ni Iwa ay ang dancer na si Yexel Sebastian.



"Ang dami ko pong work at dapat lang samantalahin dahil minsan lang dumarating ang suwerte e. So, ngayong maraming projects, masaya talaga ako dahil mayroon akong trabaho," pahayag ng dalaga sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Nagsisikap ako para makapagpundar, like malapit nang matapos yung bahay ko. Iba kasi kapag may nakikita kang naipupundar mo, e. Ito po'y katas ng pawis at dugo ko galing sa showbiz."

HOME SWEET HOME. Sinabi pa ni Iwa na ang Mommy at Daddy niya ang nag-aasikaso sa pagpapatayo ng nasabing bahay sa Manuela-4 na tapat lang ng kanilang bahay ngayon sa Las Piñas. More than three months ago nang umpisahan ito at sa ngayon ay about 90 percent nang tapos at posibleng matirhan na bago matapos ang buwang kasalukuyan.

Around one million daw ang budget niya rito na nagsimula lang sa cash in hand niyang P200,000. Ito'y three-story at yung second floor ang para sa kanya. Ang third floor naman daw ay posibleng tirhan ng kanyang kapatid.

Ano kaya ang magiging pakiramdam niya kapag nakita na niyang tapos ang bahay niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay naku, sobrang magiging masaya po ako!" bulalas ni Iwa. "Ta-tumbling ako sa sobrang saya, magpapa-party ako, magpapakasaya nang sobra! Magpapa-blessing din po ako siyempre. Hindi ko papayagang hindi mabendisyunan at makapagpasalamat sa Diyos."

NO TIME FOR LOVE. Marami pang pangarap si Iwa kapag natapos na ang kanyang bahay, pero hindi raw kasama rito ang bagong boyfriend.

"Kasi po plano ko, mag-iipon ulit ako. Kasi bibilhin ko yung lupa sa tabi ng Mom ko. Tapos ipapa-renovate ko yung bahay ng Mom ko. So pagkatapos ng bahay ko, bahay ng nanay ko, 'tapos kotse naman, tapos business naman ang kasunod.

"Siguro kapag nangyari lang ‘yon, saka lang ako magdyo-dyowa. Pero hindi pa rin ako sure dahil ayoko ring magbitiw ng ganung salita. Hindi rin kasi natin alam kung ano ang mangayari, e," saad ng young actress.

Pagdating sa kanyang lovelife, lima raw ang manliligaw ni Iwa ngayon. Pero hindi raw siya nagmamadaling magkaroon ulit ng boyfriend dahil medyo na-trauma siya sa kinasapitan ng relasyon nila ng dating boyfriend na si Yexel Sebastian.

"Na-trauma ako pero hindi naman to the point na takot na ako ulit magmahal," sabi niya. "Siguro pahinga lang muna ang puso ko. Six months na mula nang naghiwalay kami at mas okay naman ako ngayon. Although may nanliligaw, wala pang nagpapatibok ng aking puso.

"Hindi ko naman nami-miss yung meron akong boyfriend, ayoko po muna, e. Wala pa po sa isip ko ngayon dahil parang katatapos lang sa isang masamang relasyon, huwag ka munang magbukas ng pintuan mo. Magbukas ka muna sa trabaho. Kaya sarado muna yung pintuan para sa love.



"Pero yung typical na babae, kinikilig din ako kapag mayroon akong suitor," pahabol niya.

IWA'S SUITORS. Sinu-sino naman ang mga nanliligaw sa kanya?

"Secret!" tawa niya. "Kinikilig ako dahil last time ay parang wala namang ganito na nanliligaw sa akin. 'Tapos ngayon, parang feeling ko ay babae na ulit ako. Feeling ko kasi dati, parang naging matrona ako, e. Kasi walang nanliligaw sa akin dahil alam ng lahat na may boyfriend ako. Siyempre na-e-excite ang isang babae kapag maraming nanliligaw sa kanya, parang mas maraming inspiration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala nang masyadong clue dahil tiyak na malalaman agad, e. So, isa lang yung taga-showbiz, yung isa ay model at yung tatlo pa... secret, secret, secret na lang," bitin na sagot ni Iwa habang tatawa-tawa siya..

"Yung aktor ay wala pa talagang nakakaalam, lately lang siya nanligaw kasi eh, bago pa lang," pahabol niya.

Sinabi rin ng tsinitang aktres na sakaling magmamahal muli, mas magiging maingat na raw siya upang hindi na muling masaktan.

"Hindi po ako naghahanap, hinihintay ko na lang silang dumating!" tawa niya. "Pero definitely magiging maingat ako sa pagpili ng lalaking mamahalin ko at pahihirapan ko muna ang manliligaw sa akin. Gusto ko lang kasing makita kung seryoso, kasi hindi mo ‘yon malalaman, e. Malay natin sa umpisa lang mabait, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN