Direk Joey Reyes comments on Joey de Leon-Willie Revillame word war


"May kanya-kanyang katuwiran naman sina Joey at Willie, pero maykanya-kanya rin silang mali. At hindi madya-justify ng tama ang malingnakita na ng mga tao, at ang epekto nito sa publiko," opines director Joey Reyes about the word war between Willie Revillame (inset, left) and Joey de Leon (inset, right).



Laging malaman ang opinyon ni Direk Jose Javier Reyes tungkol sa mga kaganapan sa telebisyon kaya inaabangan ng marami kung ano ang komentaryo niya sa "Wilyonaryo" controversy. Natiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Joey sa first shooting day ng Sakal, Sakali, Saklolo—ang entry ng Star Cinema sa 2007 Metro Manila Film Festival starring Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo—noong Huwebes, September 6. Hindi napigilan ng mahusay na direktor na hindi magkomento tungkol sa alitan sa pagitan ng TV hosts na sina Joey de Leon ng Eat Bulaga! at Willie Revillame ng Wowowee.



"Regardless of whether may dayaan nga ba o wala sa Wowowee, mas alarming ang palitan ng hindi magagandang salita sa pagitan nina Joey at Willie," simula ni Direk Joey.



"Halos araw-araw ay pinapapasok sila ng televiewers sa privacy ng kani-kanilang tahanan, 'tapos ganyan ang mapapanood. Nagpapatibay sa cultural divisiveness ng mga Pinoy ang naganap kina Joey at Willie. Iyon ang hindi maganda," napapailing na pahayag ng mahusay na direktor.



Hindi rin nagagandahan si Direk Joey sa impresyon na kailangang ang mga Pinoy ay may kinakampihan, kahit hindi naman daw kailangan.



"Nagsimula 'yan sa pulitika, di ba? Kung sinu-sino ang pinapanigan, e, pare-pareho lang naman ng interes. Sana bilang Pilipino, hindi tayo basta nagpapatangay sa ganyan.



"Kung hindi ka maka-Gloria, dapat ay maka-Erap ka. Kung maka-Kapuso ka, hindi ka dapat maka-Kapamilya. At kung anu-ano pang kababawan, na kailangang may papanigan ka. Kacheapan!" napapaismid na naman ang batikang direktor.



NETWORK CONTROL. Sa palagay ni Direk Joey ay malaki ang responsibilidad dito ng mismong networks. Mayroon daw dapat silang kontrol sa talents nila na gaya nina Joey at Willie nang sa gayon ay hindi nangyayari ang ganito.



Nagsimula 'yon sa pagsasalita ni Joey tungkol sa diumano'y dayaang naganap sa "Wilyonaryo" portion ng Wowowee, bagama't wala namang direktang binanggit na pangalan si Joey. Sumalakay nang pabalikwas si Willie at kung anu-ano rin ang pinagsasabi para lang idepensa ang sarili niya at ang naganap sa nabanggit na programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ani Direk Joey, "Kahit sinasabing nagkaayos na sila, nangyari pa rin. It's not good. Nangyayari pala, at hindi puwedeng hindi maulit 'yon. It saddens me.



"Sa mga ganyang pangyayari, nae-emphasize ang divisiveness nating mga Pinoy, na kailanman, parang langis at tubig tayong hindi mapagsanib. We're never united, and it's a fact. Dahil ganyang kababaw na bagay lang, nai-involve tayo."



Nasa kultura na raw ito ng mga Pinoy at mahirap na itong baguhin pa, ayon kay Direk Joey.



"We thrive on tension. Gusto natin may nag-aaway, may libakang nangyayari. At nagiging personalan na. Gusto natin, may kakampihan tayo. Ano ba 'yan? Para bang we're showing the whole world, ito lang ba ang kayang patunayan ng culture natin? Kailangang laging may differences na pinagtatalunan?



"May kanya-kanyang cult of personalities. May kanya-kanyang katuwiran naman sina Joey at Willie, pero may kanya-kanya rin silang mali. At hindi madya-justify ng tama ang maling nakita na ng mga tao, at ang epekto nito sa publiko," matapang na pahayag ng direktor.



MTRCB INTERVENTION. Sa kabilang banda, natutuwa naman daw si Direk Joey sa pagpasok sa eksena ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Consoliza Laguardia. Para sa direktor, maganda ang ginawa ng MTRCB Chair na pagkastigo kina Willie at Joey, kahit nga ang mga napapanood lang sa TV ang dapat pakialaman nito.



"But it should be everybody's concern, and Chairman Laguardia has all the right to step in para maitama ang hindi maganda. I salute her for that," sabi ni Direk Joey.



"Ang point din diyan, sa mga palabas na kailangang magpakita naman ng integrity and honesty, hindi 'yan yung parang idaraan mo lang sa biruan dahil naaaliw ang mga tao. Sa totoo lang, hindi naman nakakaaliw talaga kapag nakita ng mga tao na mayroon silang dahilan para magduda.



"Matindi ang responsibilidad ng mga network sa mga programang gaya ng Eat Bulaga! at Wowowee, especially if they are banking on the hopes of people. Iyan ang bantayan nila dahil sa halip na ang mangyari'y matulungan talaga ang mga mahihirap, lalo lang silang nagmumukhang kawawa dahil sa bandang huli, parang lumalabas na sila ang exploited.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Tapos, mayroon pang mga ganitong kampihan, mga katuwirang baliko para maipagtanggol lang ang kanya-kanyang interes, na hindi rin naman kailangan nating gawin, di ba?" huling pahayag ni Direk Joey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN