Ex-couple Mylene Dizon and Paolo Paraiso still share one bed sometimes


"He does not have any choice because there is only one room in myhouse. We sleep in one big bed. Nasa gitna namin si Tomas. Peropaggising ko sa umaga, wala na dun sa gitna namin si Tomas," reveals Mylene Dizon about sharing a bed with her ex-live-in partner Paolo Paraiso.



Na-corner ng entertainment press ang ex-couple na sina Mylene Dizon at Paolo Paraiso sa Cosmo Bachelor Bash last Thursday, September 6, sa NBC Tent. Walang nagawa ang dating mag-live in partner kundi sumagot ng mga tanong tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon ngayon.

Ayon sa dalawa, madalas daw dumadalaw si Paolo kay Mylene dahil nasa pangangalaga nito ang kanilang anak na si Tomas. Pero kapag dumadalaw daw si Paolo, inuumaga na ito sa bahay ni Mylene kaya't dun na rin siya natutulog.

"Yes, he sleeps in my room," pag-amin ni Mylene. "He does not have any choice because there is only one room in my house. We sleep in one big bed, nasa gitna namin si Tomas. Pero paggising ko sa umaga, wala na dun sa gitna namin si Tomas."

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres kung magkayakap ba sila ni Paolo habang natutulog. Without batting an eyelash, umoo agad si Mylene.

"Siya ang nakayakap sa akin. Pero sa cute niya ngayong gabi, mukhang ako na ang aakap sa kanya!" biro ni Mylene.

Kahit birthday ni Mylene nung araw na ‘yon ay pumunta siya sa Cosmo Bachelor Bash para magpakita ng suporta sa ama ng kanyang anak. Matapos ang show, magkasabay umalis ang dalawa para sa isang dinner na kasama ang kanilang mga kaibigan.

"Mas maganda na itong ganito. Mas maayos ang relasyon namin," bulalas ni Paolo tungkol sa set-up ng relasyon nila ni Mylene.

"Yes, I can date and Paolo can date," pagsang-ayon naman ni Mylene.

Sa kabila nito, aminado si Paolo na nagseselos pa rin siya kapag nakikipag-date si Mylene sa ibang lalaki. Huling na-link si Mylene sa ex-boyfriend niya na si Ira Cruz, gitarista ng sikat na bandang Bamboo. Pero nung gabing ‘yon ay sinabi ng aktres na loveless daw siya.

Espesyal daw ang Cosmo Bachelor Bash kina Mylene at Paolo. Matatandaang sa event na ito sila nagkakilala two years ago, kung saan nag-bid pa si Mylene para "bilhin" ang ramp model pa lang noon na si Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I would bid more for him now kung ngayon ang pag-uusapan. I know kasi how nice a guy he is," sabi ni Mylene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN