Aga Muhlach does not mind being called "matanda na"


"No, of course not! I'm very much secure with myself. Lahat naman tumatanda," says Aga Muhlach, 38 years old, when asked about Sarah Geronimo's statement that he is too old to be her crush.



Pinakahuling dumating among the lead stars sa victory party ng A Love Story ng Star Cinema last September 4 si Aga Muhlach. Labis ang pasasalamat ni Aga sa malaking tagumpay ng pelikula nila. That same night, tinanggap ni Aga ang bonus niya from ABS-CBN/Star Cinema big boss na si Mr. Gabby Lopez na dumating din sa naturang victory party.



Hindi pa man naipalalabas ang A Love Story ay nakapag-first day of shoot na si Aga sa susunod niyang pelikula sa Star Cinema with Anne Curtis.



"Iyon nga, e, medyo naninibago ako. Dati kasi, after one movie, nagbabakasyon ako. Ngayon, nabigyan agad ako ng bagong movie," bungad ni Aga sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Kung nagpakita ng kanyang bagong seksing katawan si Aga sa A Love Story, sa movie nila ni Anne ay mas marami pa raw mga eksena na magpapakita siya ng kanyang "six-pack." Magbo-Boracay raw sila to shoot the movie at marami pang magagandang beaches around the country. Magsisimula raw ulit si Aga ng shooting two weeks from now.



Kinumusta rin namin kay Aga ang balak na pag-aaral ng kanyang misis na si Charlene Gonzalez-Muhlach.



"Sa October pa siya mag-uumpisa," banggit ni Aga. "It's real estate and financing development course. One month lang ‘yon. Sa AIM [Asian Insititute of Management] siya mag-e-enroll. Pero yung general course muna ang kukunin niya. May private class siya at saka tutoring. Yung professor niya, si Jay Bernardo...may grupo ng mga teachers sa AIM, ‘yon yung nagtuturo sa kanya."



Samantala, sinagot ni Aga ang sinabi ni Sarah Geronimo sa presscon ng Pangarap na Bituin na matanda na raw si Aga para ibilang sa mga crush niya sa showbiz.



"Oo naman!" pagsang-ayon naman ni Aga.



Hindi ba siya nao-offend kapag may nagsasabi na matanda na siya?



"No, of course not! I'm very much secure with myself. Lahat naman tumatanda," sagot ng 38-year-old actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong pabata nang pabata ang mga nagiging leading ladies ni Aga, hindi malayo na balang-araw ay alukin siya na gumawa ng pelikula with Sarah. Tatanggapin ba niya kung sakaling may offer na dumating?



"Oo naman. Bakit naman hindi? Sana nga kung tatlo ang katawan ko, sabay-sabay gagawin ko," biro ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN