Sexy actor Allen Dizon finally reveals wife and two daughters


During Allen Dizon's contract signing, the sexy actor was accompanied by his wife of six years, Crystal. It was the first time Allen revealed his marital status.



Pumirma sa Viva Films office sa Ortigas Center ang sexy actor na si Allen Dizon together with his manager Dennis Evangelista for a renewal of co-management contract with Viva aArtist Agency (VAA). Si Allen ang itinuring na leader noon ng defunct all-male group na Viva Hotmen.

Ang Viva Hotmen ang naging counterpart ng Viva Hot Babes at kung ilang direct-to-video features ang nagawa nila as a group.

A product of Ginoong Pilipinas, ito ang naging passport ng noo'y 19 years old na Kapampangan para makapasok sa showbiz. Although puro sexy movies ang nagawa ni Allen, ang huling movie niya na Twilight Dancers, starring Tyron Perez, ang nakapagpanalo kay Allen ng best supporting actor award sa 23rd Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club. Nominated din siya para sa naturang pelikula sa darating na 55th FAMAS Awards.

Sa contract signing ay dumating si Allen kasama ng kanyang wife of six years na si Crystal, his townmate sa Sta. Ana, Pampanga. Medyo nagulat ang ilang imbitadong press sa Max restaurant sa Roces dahil for the first time ay ipinakilala ni Allen ang kanyang asawa at ipinahayag ang ilang bagay tungkol sa kanyang pribadong buhay.

Dalawa na ang anak ni Allen, parehong babae—si Nella Marie who is five years old at si Felicia who just turned two. Dahil nakapag-ipon si Allen, nagtayo siya ng car-trading business na Top Line Auto Sales at ngayon ay may dalawa nang branches with showrooms sa Sta. Maria, Bulacan at Plaridel, Bulacan.

Sa ngayon, may nakalinyang independent films para kay Allen: ang Paupahan kung saan gagampanan niya ang isang trying-hard actor na suma-sideline bilang bugaw sa kawalan ng trabaho; ang Ati Cu Pung Parul na tungkol sa dying industry ng lantern making sa Pampanga; at Anito na tungkol sa bagong mag-asawa na gagawin ang lahat para lang magkaanak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iba na ang gustong linyahan ni Allen sa pagpirma niya sa VAA. Kung sana raw ay mga serious roles na with less skin exposure—same path na tinahak ng iba pang sexy stud turned actors like Jay Manalo and Gardo Versoza.

"Okay pa rin naman ang konting sexy pero kung makakaiwas..." sabi ni Allen.

Naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Allen kung kaya niya ba ang ginawa ng kanyang former co-Viva Hot Men member na si Justin de Leon sa soon-to-be released gay-themed movie na Ang Lalaki Sa Parola, kung saan may frontal nudity ito?

"Hindi ko kaya ‘yon," sabi ni Allen. "Kung noon hindi ko nagawa ito, ngayon pa na may dalawa na akong anak? Iyon na nga lang itinatago ko, ilalabas ko pa?" patawa niya.

"Sa mga bata na lang ‘yon, sa mga bago," pahabol pa ni Allen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN