Angelica Panganiban reacts to Camille Prats's pregnancy


"Nakakatuwa, siyempre malaking bagay ‘yon, di ba? Nakakatuwa nakaya niyang panindigan yung mga ganung kalaking klaseng bagay. Siguronaman masaya siya...kasi hindi naman ibibigay sa kanya ng Diyos ‘yonkung hindi pa talaga tamang panahon," says Angelica Panganiban (right) about the pregnancy of friend Camille Prats (left).



Dinalaw ng PEP (Philippine entertainment Portal) ang taping ng dance show ng ABS-CBN na U Can Dance kagabi, September 8, sa Studio 10 ng ABS-CBN. Nagkataon namang dumating ang young actress na si Angelica Panganiban, girlfriend ni Derek Ramsey, pagkatapos ng show.



Sinamantala na ng PEP ang pagkakataon upang kunin ang reaksiyon ni Angelica tungkol sa pagbubuntis ng kaibigan at kasabayan niya na si Camille Prats.



"Nakakagulat, di ba?" sagot ng young actress. "Ganun lang...Kasi kagabi [Friday] ko lang naman nalaman sa news, 'tapos tinanong ko ang Mama ko [Mrs. Annabelle Panganiban] kung totoo nga. Nag-text naman siya, oo raw."



Matagal daw nawala sa Pilipinas si Angelica nang magkaroon siya ng show sa United States at nang mag-shoot din sila ng movie sa Macau. Although at that time, may mga nagtatanung-tanong na rin daw sa kanya kung totoo nga ang balita.

Tinanong ng PEP si Angelica kung ang dahilan ba kung bakit nito lang niya nalaman ang maselang kalagayn ni Camille ay dahil sa kawalan nila ng communication.



"Hindi, nagte-text kami," tanggi niya. "Pero hindi naman kasi namin napag-uusapan ‘yon. At saka hindi ko naman alam na ganun ka-big deal sa mga tao ‘yon, di ba? Tao naman siya. Normal siyang babae, so normal lang naman na magbubuntis siya."



Dagdag pa ni Angelica, natutuwa at masaya siya para kay Camille. Nakakaramdam din siya ng pagmamalaki sa pagiging matapang ng kaibigan na harapin ang panibagong yugto ng kanyang buhay.



"Nakakatuwa, siyempre malaking bagay ‘yon, di ba? Nakakatuwa na kaya niyang panindigan yung mga ganung kalaking klaseng bagay. Siguro naman masaya siya....kasi hindi naman ibibigay sa kanya ng Diyos ‘yon kung hindi pa talaga tamang panahon.



"Nakakatuwa kasi nagawa na niyang maging artista at maging masaya sa industriya. Ngayon, siguro tamang panahon na sarili naman niya ang isipin niya," pahayag ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Matanda lang daw ng isang taon si Camille sa kanya; 22 si Camille at 21 naman si Angelica.

Nang ibaling ng PEP kay Angelica ang tanong kung nakikita na rin niya ang situwasyon ni Camille sa personal niyang buhay, bigla itong napasulyap sa boyfriend na si Derek Ramsey na nasa isang tabi lang ng dressing room.



"Ay, hindi ko alam! Bigla akong nagka-kabayo [kaba] bigla!" natatawa niyang sabi.



But since she's in a relationship now, puwede niya kayang sabihin na anytime she can also be on the same shoes as Camille right now or yung pagse-settle down kaya? Kung si Camille ay nakahanda ng maging mommy, siya ba ay hindi pa naiisip ang mga bagay na ‘yon?



"Hindi ko alam," sagot ni Angelica. "Kasi kung time na, time na. Mahirap kasing magsalita na ayoko pa 'tapos biglang darating. Or gusto ko pa 'tapos hindi naman dumarating."



Ano ba ang mga bagay na nabago ni Derek sa kanya simula nang maging sila?



"Nagkaroon ako ng respeto sa sarili ko dahil na rin sa respetong ibinigay niya sa akin. Kasi, kung yung ibang tao may respeto sa ‘yo, mas magkakaroon ka ng respeto sa sarili mo. Binigyan ko rin ng importansiya ang sarili ko," huling pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN