Jean Garcia on daughter's suitor: "Gusto ko si Mart."


"Gusto ko si Mart. The first time I met him, maganda ang impression ko. Kung maynararamdaman akong negative about Mart, hindi rin ako papayag, perowala. May breeding si Mart at hindi siya bad boy," says Jean Garcia about young actor Mart Escudero, who is rumored to be courting her daughter Jenica Garcia.



Bioessence threw a spa party para sa pag-renew ng aktres na si Jean Garcia ng kanyang endorsement for the Davao-based skin care and slimming service, kasabay na rin ng pagbubukas ng 20th branch nito sa Greenhills last Saturday, September 8. It's Jean's third year as an endorser of Bioessence.

Blooming si Jean kahit aminado siyang two years na siyang loveless. Marahil daw ay dahil ito sa kanyang trabaho at sa kanyang mga anak.

Biniro siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi kaya maunahan siya ng kanyang anak na si Jenica Garcia na magkaroon ng boyfriend, or subconsciously ba, ayaw niya munang magka-boyfriend si Jenica hangga't wala pa rin siya. Nali-link ngayon si Jenica sa kanyang ka-loveteam na si Mart Escudero.

"Uy, let me make it clear ha, never kong sinabi na ayokong magka-boyfriend ang anak ko," sabi ni Jean. "Sabi ko lang, mag-enjoy muna siya ng kanyang youth. Alam ko naman in time magkaka-boyfriend ang anak ko. Hindi natin alam, baka next year or this year, pero mag-prioritize muna sila.

"Kinausap ko silang dalawa. Sabi ko sa kanila, ‘O kayo ang ibini-build up as a loveteam, enjoy n'yo muna ang isa't isa. You have to love each other naman.'

"Gusto ko si Mart. The first time I met him, maganda ang impression ko. Siyempre mother pa rin naman kasi ako, so kahit gusto ng GMA or ni Manny [Valera, their common manager] na sila ang ipag-pair, kung may nararamdaman akong negative about Mart, hindi rin ako papayag. Pero wala...may breeding si Mart, at hindi siya bad boy."

Matatanggap daw ni Jean kung si Mart ang maging unang boyfriend ng kanyang 17-year-old daughter. Pero si Jenica raw mismo ang nagsasabi kay Jean na hindi pa siya handa.

"Open kami, I'm a cool mother. Nagkukuwentuhan kami tungkol dito pero siya na ang ang nagsabi, ‘Mom, I'm not yet ready,'" lahad ni Jean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya na rin si Jean that Jenica is turning into a very wise girl.

"Masuwerte sila, their generation," sabi niya. "Noong panahon namin, tanga kaming lahat. Wala kasing nagkukuwento sa amin what we do. Kaya nga ako nabuntis ng maaga dahil inuna ko ang puso ko, and because walang nagsabi sa akin ng dapat gawin.

"Sa kanila, everything is open. Napapanood na nila ang mga dapat nilang gawin sa TV and sa Internet, and now they are also open in asking questions. At mabuti na lang close nga kami ng anak ko so napapayuhan ko siya at nagsasabi siya sa akin," pagtatapos ni Jean.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN