KC Concepcion's ABS-CBN special airs on September 23


KC Concepcion, daughter of Megastar Sharon Cuneta and former matinee idol Gabby Concepcion, shares her life in Paris via a TV special titled KC From Paris to Pinas, to be aired on September 23 in ABS-CBN.


Marami na ang nag-aabang sa TV special na ginawa ni KC Concepcion para sa ABS-CBN na ipapalabas sa September 23. Titled KC From Paris to Pinas, the special chronicles the life of KC sa apat na taong inilagi niya sa Paris as a college student.



Ayon sa aming source na konektado sa production ng TV special ni KC, mismong sa campus (American University in Paris) kung saan nag-aral si KC for four years kinunan ang mga mahahalagang bahagi ng TV special. Siyempre, kasama rin si KC sa mga eksenang kinunan.

Mula sa loob ng campus, sa library, sa cafeteria ng school, pati sa dorm niya ay may kuha si KC. Talagang nilibot daw ng TV crew ang buong campus. May interview rin daw sa mga classmates ni KC, pati sa kanyang mga teachers.



Commendable ang ginawang effort ng ABS-CBN na magpadala ng TV crew sa Paris to document everything na importante kay KC during her college life. Gusto nilang maging truthful sa desire ni KC na maibahagi nang maayos and in full sa mga tao ang naging experience niya while in Paris. Pag napanood mo ang TV special, para ka na ring kasama ni KC habang naroon siya sa Paris.



Bukas, September 10, at 6 p.m. ang presscon ni KC para sa kanyang TV special. KC will talk about her life and experience in Paris, at siyempre tungkol din sa TV special na tiyak na magiging memorable para sa kanya.



Tiyak na marami ang magtatanong kung ano ba ang nami-miss niya sa naging buhay niya while she was in Paris. Marami rin ang curious kung may plano ba siyang bumalik sa Paris to take on a new course. O dito na siya mananatili sa Maynila para harapin ang kanyang career bilang artista.



Tiyak din na itatanong ng mga press sa kanya kung ano ang estado ng relasyon nila ni Lino Cayetano, ang direktor ng Star Cinema movie na I've Fallen For You. Willing kaya si KC na sagutin ang mga tanong tungkol kay Lino?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa presscon kasi ng pelikula na dinirek ni Lino, iniiwasan nito na sumagot sa mga tanong about KC. Ang katuwiran niya, wala naman kaugnayan si KC sa pelikula kaya very politely ay tumatanggi siyang sumagot sa mga tanong about the daughter of Megastar Sharon Cuneta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN