KC Concepcion talks about her TV special and her family


"For Dad and Mom, thank you so much for all your support, for all thelove, for being understanding of my growing years. Hindi nagkulang‘yon. Thank you so much and I love you," says KC Concepcion about her mother Sharon Cuneta and stepdad Senator Francis "Kiko" Pangilinan.



Nagpaunlak ng isang exclusive interview sa kauna-unahang pagkakataon ang anak ni Sharon Cuneta na si KC Concepcion sa The Buzz kaninang hapon, September 9.

Pagkatapos ng taping ni KC para sa ilang eksena sa kanyang TV special sa ABS-CBN last Tuesday, September 4, sinagot niya ang mga isyung inuugnay sa kanya. Una na rito ang tungkol sa graduation gift na ibinigay sa kanya ni Megastar.



"Matagal ko na po kasing pinapangarap na magkaroon ng relo na puwede kong ipamana sa mga [anak ko], sa future ko ‘yon. Iyon talaga ang gusto ko ever since na makita ko siya sa Internet. Minsan, habang naglalakad, nakikita rin 'pag nagwi-window shopping ako, ganun. Pero never ko siyang nabili with my own kakayahan," saad ni KC.



Sinagot din ni KC ang katanungan sa tuluyan na niyang pagpasok sa showbiz.



"Pinag-aaralan ko pa lang yung mga puwede kong gawin na project," sabi ng anak ng Megastar. "Pero for sure, dahil sa inaral kong communications, hopefully, in the media din. Sana abangan na lang nila yung projects or surprises na puwedeng dumating dahil narito na po ako ngayon."



Nag-shooting muna ng one week sa Paris, kung saan ipapakita ang buhay niya doon for four years, si KC for her TV special bago siya bumalik ng Pilipinas. Bagama't apat na taon siyang nanirahan sa Paris para mag-aral, ayon kay KC ay nanatili pa rin silang close ng kanyang mga kapatid sa ina na sina Miel at Frankie.



"Maglalaro kami every time umuuwi ako, ganyan. And yung si Frankie, marunong nang mag-text. So, bigla ka na lang may mahahanap na [message] sa Inbox mo na, ‘Ate, when are you coming home?' O kaya, ‘Magmadali ka na Ate matutulog na ako!'



"Si Miel naman po, baby po pa rin siya, e. So, nangingilala pero hindi mo pa masyadong makausap. Pero mahilig maglaro, mahilig magpatawa, ganyan," kuwento ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin ni KC ang estado ng relasyon niya sa ama nina Frankie at Miel na si Senator Francis "Kiko" Pangilinan.



"Yung Dad ko na si Dad Kiko, lagi akong binibigyan ng advise. Halimbawa, nagka-interview tayo kay Korina [Sanchez], sobrang dami niyang advise na ibinigay sa akin para mawala yung nerbiyos ko kasi sobrang idol na idol ko si Ms. Korina.



"And my Mom siyempre, siya yung may pinaka-alam sa industrya. Dahil dito sa special na ito, marami rin siyang gustong ibahagi sa akin na advise and making sure na hindi mo sisirain yung sarili mong pangalan, ganun," natatawang sabi ni KC.



Ikinuwento rin ni KC na nagtsitsikahan daw sila ng Mommy niya 'pag may time ang napaka-busy niyang ina.



"Magsasalita ‘yan mga one hour, two hours. Saka 'pag feel niya, magte-text ‘yan ng mga ten messages. So, meron kang ten messages na galing sa Nanay mo," pambubuko ni KC.

Bilang pangwakas, nagbigay ng mensahe si KC sa kanyang ina at sa kanyang Dad Kiko.

"For Dad and Mom, thank you so much for all your support, for all the love, for being understanding of my growing years. Hindi nagkulang ‘yon. Thank you so much and I love you," sabi ni KC.



Sa September 23, Sunday, pagkatapos ng That's My Doc ay mapapanood ang TV special na ginawa ni KC para sa ABS-CBN, ang KC From Paris to Pinas.



"Naku, abangan ninyo ‘to," paanyaya ni KC. "Sobrang gaganda po ng mga lugar na makikita ninyo. Sobrang exciting po lahat ng mga eksena dito sa special na ‘to. And sulit pagpanood ninyo dahil first time ninyo pong makikita lahat ng makikita ninyo diyan [sa special]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN