Frank Garcia swears Gwen Garci is just a close friend


Frank Garcia on courting Gwen Garci: "For me, masarap talaga siyang kaibigan. Napakabait, maalaga, saka masarap kausap. But more than that, wala talaga, e."



Pansamantalang nanahimik ang sexy actor na si Frank Garcia after his breakup with Sunshine Dizon. Kasabay ng pagbabalik-showbiz niya ay nali-link naman siya ngayon sa Viva Hot Babe member na si Gwen Garcia.



Ayon pa sa balita, nakita raw na naghihintay si Frank sa isang contract signing ni Gwen. Para sa iba ay hindi raw gagawin ng isang lalake na samahan at maghintay sa isang babae kung walang relasyon na namamagitan sa kanila.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Frank, pinabulaanan niya na may relasyon sila ni Gwen. Sa katunayan nga raw ay may non-showbiz girlfriend daw siya ngayon.



"Alam ni Gwen na may non-showbiz girlfriend ako, and close lang talaga kami," sabi ni Frank. "Regarding dun sa naghintay daw ako sa kanya, nagkataon lang na may birthday kaming pupuntahan, common friend namin ni Gwen. So ang nangyari, nagkita muna kami tapos sinamahan ko siya sa contract signing niya for a show niya. And ‘yon lang yata ang time na lumabas kami. Hindi ko nga alam kung bakit may lumabas na issue na ganyan."

Ayon pa kay Frank, matagal na raw silang magkakilala at magkaibigan ni Gwen.



"Matagal ko na siyang kakilala, nagmu-model pa lang kami. Fourteen years old pa lang ako nun, I think she's 17, nagkakasama kami sa mga pictorials dati. Recently nga lang uli kami nagkita. Pag nag-uusap kami, naaala namin yung mga pictorials namin before.



"Wala siyang boyfriend ngayon. Lagi naming pinag-uusapan yung mga nanliligaw sa kanya. Pinagtatawanan nga namin minsan kasi yung iba, may pagka-weirdo, yung iba may pagka-possessive, yung iba naman bigay ng bigay ng kung anu-ano sa kanya," kuwento ni Frank.

May posibilidad ba na ligawan niya si Gwen?



"For me, masarap talaga siyang kaibigan. Napakabait, maalaga, saka masarap kausap. But more than that, wala talaga, e," sabi ni Frank.

Miyembro ng all-male group na Boyz.Com si Frank at regular siyang napapanood sa Pedro Penduko at Ang Mga Engkantao sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN