Sunshine Dizon: "Walang dahilan para iwan ko ang GMA-7."


"GMA-7 has been good to me. Walangdahilan para iwan ko sila. Aalis ka lang naman sa isang network kunghindi ka na masaya, di ba? Hindi naman ako pinabayaan ng GMA-7 kayawala akong dapat ireklamo," says Sunshine Dizon.



Sa September 21 na ang final telecast ng high-rating soap opera ng GMA-7 na Impostora. Ayon sa bida ritong si Sunshine Dizon, hindi na raw lalagpas pa ng third week of September ang airing at matatapos na ito.



Kahit na matatapos na ang Impostora, hindi naman basta bibitiwan ng GMA-7 si Sunshine. After this, pinag-uusapan na ang isa uling drama series na katatampukan ng aktres na nagbida rin sa Bakekang.



"Happy ako sa feedback na natatanggap namin for Impostora. Mayroong certain feeling of sadness sa akin ngayong matatapos na ang teleserye. Kasi, ang taas-taas ng ratings namin sa recent surveys. At kung kailan pa kami mag-e-end...ha? Pero talagang ganun...hindi na rin kasi uso ang teleserye na inaabot ng taon," nangingiting sabi ni Sunshine sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



LOYALTY. Wala ring duda sa loyalty ni Sunshine sa GMA-7. Siya ang tipo ng contract star na hindi basta masisilaw ng offer, kung sakaling may mag-o-offer man, para lumipat siya sa kabilang network.



"GMA-7 has been good to me," nakangiting sabi ni Sunshine. "Walang dahilan para iwan ko sila. Aalis ka lang naman sa isang network kung hindi ka na masaya, di ba? Hindi naman ako pinabayaan ng GMA-7 kaya wala akong dapat ireklamo. They're always after my well-being. At kung mayroon mang problem, I've always been open. Diretso akong nakikipag-usap sa kanila."



Kuntento kasi si Sunshine sa ibinibigay ng GMA-7 sa kanya. Ever since, naging masaya siya sa projects niya sa Kapuso network.



"So far, wala akong masasabing project na ibinigay nila sa akin na ginawa ko, kahit hindi ko gusto. Hindi ko rin kasi talaga gagawin kung ayaw ko. Kahit nga sabihin nila na mag-break muna ako, gumawa muna ako ng sitcom [Bahay Mo Ba ‘To?], hindi mapapansin ng mga tao na I'm also having a break. Kasi nakakapag-guest ako sa ibang shows. Remember, napansin ang performance ko sa isang episode—which I did for Magpakailanman—and even if it's only a guesting, ipinagpapasalamat ko 'yon sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Nasabi na 'yan ni Tita Wilma [Galvante] sa akin, hindi raw ako mawawalan ng projects. Lagi akong may gagawin para sa GMA-7, and I'm just happy dahil yung binibitiwan nilang salita, alam kong tinutupad nila," pahayag pa ng dating schild actress.



Hindi rin daw uso kay Sunshine ang burnout habang masaya siya sa ginagawa niya.



"Mabe-burnout ka lang naman kung hindi ka na happy," nangingiting sabi ni Sunshine. "Hindi ko rin iisiping mawala nang matagal dahil sa dami ng artista, baka nga hindi ka na basta makabalik, makalimutan ka ng mga tao.



"Hindi mo masasabi na hindi mangyayari 'yon. Kaya habang nariyan ang trabaho, just learn to enjoy it nang sa gayon, hindi ka basta nagrereklamo. Sa akin kasi, iniisip ko na lang yung mga babayaran ko, financial obligations ko. For as long as napu-fulfill ko 'yon dahil may trabaho na ako, I just count my blessings and be thankful," sabi niya.



Kung nakararamdam na ng pagkasuya sa trabaho si Sunshine, ipapahinga lang daw niya sandali—manonood siya ng sine, kakain sa labas. Pagkatapos ay masaya na siyang babalik sa trabaho.



ANGEL LOCSIN. Gaya ng dating Kapuso star na si Angel Locsin, paano kung alukin din si Sunshine ng ABS-CBN ng offer na hindi niya matatanggihan?



"Pag-aaralan ko siyempre," saad ng aktres. "Ayoko namang magpaka-hypocrite, na kung sa tingin ko, maganda ang offer, hindi ko na lang papansinin at sasabihin kong mag-i-stick ako forever sa GMA-7.



"Loyalty is important, but it should be on a case-to-case basis. Hindi ko puwedeng husgahan si Angel sa ginawa niya. Pero isipin na lang natin, kung sinasabi niyang hindi na siya masaya sa GMA-7, hindi yata tamang pilitin pa natin siya. Mahirap magtrabaho na parang mabigat ang loob mo. Magsa-suffer ka rin in the end, at 'yon ang hindi maganda roon.



"Ang sa akin lang, bakit naman pinepersonal ng iba si Angel? Kung ako kasi, mayroon akong reklamo, I will lay my cards down at tutumbukin ko sa kanila directly kung ano ang nagbo-bother sa akin. Ang hindi lang kasi okay riyan, the manner it was done. Puwede namang lumipat na walang nasasaktan at nagkakaintindihan yung dalawang kampo, di ba?" sabi pa ni Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Para kay Sunshine, walang bagay na hindi nareresolbahan basta't ito'y napag-uusapan.


"Just directly address your needs and wants. 'Yon lang naman ang ginagawa namin ng Mommy ko [Dorothy Laforteza], kaya strong pa rin ang relationship namin with GMA-7. Hindi kami nagde-demand sa GMA-7. They know what things I deserve, at ibinibigay nila 'yon," sabi pa ng aktres.



"Pero, kung lilipat ako," dagdag niya, "iisipin ko siyempre. Hindi naman basta pera lang 'yan. 'Yon na lang na magiging masaya ka kung pagdedesisyunan mo ng ganoon.



"Sa part ni Angel, kung nag-decide siya na sa ABS-CBN na siya at mas masaya siya ngayon sa nangyayari sa career niya, pabayaan na lang natin siya. Hindi rin naman ako o ang ibang tao ang makakapagsabing pagsisisihan niya yung ginawa niya, kasi walang personalan dapat doon. Si Angel ang magtatrabaho at hindi ang ibang tao, kaya siya ang makakaramdam kung saan siya magiging mas productive at makagagalaw nang matino," pagwawakas ni Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN