Chin-Chin Gutierrez working on her mother's memoirs


"My Mom was a very spiritual person. Iyon ang nakita at nabasa ko samga isinulat niya in her journal. So, may mga parts about angels. Kungpaano natin malalaman the angels within us," says actress Chin-Chin Gutierrez about the fiary/journal of her late mother, Mrs. Cecilia Arnaldo Gutierrez.



Walang kaso sa aktres na si Chin-Chin Gutierrez na gumanap ng mother roles sa pelikula man o telebisyon. Gaya na lang sa pelikulang I've Fallen For You ng Star Cinema, kung saan role ng ina ni Gerald Anderson ang gagampanan ni Chin-Chin. Sa tunay na buhay ay hindi pa naman mother ang aktres.



"I'm thankful na this year, magagandang roles ang naibigay sa akin. I see a constant growth pa rin, garnering awards for some things na puwede pa rin akong maging pride ng industry natin. Marami pa rin akong gustong i-share and I will just go with the flow of things. And kasama nito ang pagpapatuloy ko pa ring maging advocate sa pangangalaga ng ating kalikasan," pahayag ni Chin-Chin sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Kung wala siya sa harap ng camera, abala naman si Chin-Chin sa pagpapalaganap ng environmental awareness sa ating mga kababayan. Kaya minsan, nasa Mamburao, Mindoro siya planting trees para sa kanyang sinimulang "Puno Para Kay Maria" na umaabot hanggang sa iba't ibang sulok pa ng ating kapuluan.

Kasabay ng kanyang pag-iikot sa iba't ibang lugar para sakalikasan, nakakasalang pa rin pala si Chin Chin sa mga concerts paranaman sa kanyang "Uyayi" album sa sari-saring parishes na kanyangbinibisita, na nakaabot na sa Cordillera hanggang sa iba pang parte ngMindanao.

HER MOTHER'S MEMOIRS. Gumaling na ang mga sugat na tinamo ng aktres sa kanyang katawan bunga ng sunog sa kanilang bahay noong December 2006, na ikinasawi ng kanyang ina. Pero sa ngayon daw, alam ni Chin-Chin na patuloy naman siyang ginagabayan ng kanyang angelogist na ina, si Mrs. Cecilia Arnaldo Gutierrez.

"And if there's one thing na I'm also busy with these days," sabi ni Chin-Chin, "iyon ay ang pag-e-edit namin ng manager ko sa manuscript na naiwan ng Mommy ko, sort of parang diary/journal niya na natapos niya noong 2003. Noon pa pala niya ‘yon ipinapa-edit sa manager ko [Anjie Blardony Ureta]. Natakot naman that time si Angie kaya hindi muna niya ito ginalaw. Kasi may mga nakasulat doon na parang nakita na ni Mommy ang magiging death niya with her lines about ‘Chariots of fire that will pick me up.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakalimutan na nga muna ‘yon ni Anjie dahil nung magkasunog, labas-masok din naman kami sa emergency room dahil din kay Mommy. Nang medyo gumaling na ako at wala na si Mommy, at saka lang namin nabalikan ang kanyang ipinapa-edit na work, which we hope to publish soon. Parang review ito ng buhay-buhay, Golden Secrets of Eternal Love.

"Remember, my Mom was a nun before. So yung pagiging madre niya and evangelist. Yung 10 years niya sa kumbento, nung magpunta rin siya in England where she got assigned, her discernment time to leave the convent, nang mag-aral siya and magtapos ng Fine Arts kahit naka-habit pa siya, her life with the Kamalig Painters, the time na nakilala niya ang father ko, adjustment in life, about the Vatican II's vow of silence.



"My Mom was a very spiritual person. Iyon ang nakita at nabasa ko sa mga isinulat niya in her journal. So, may mga parts about angels. Kung paano natin malalaman the angels within us," kuwento ni Chin-Chin.



ZERO LOVELIFE. Inusisa rin ng PEP kay chin-Chin ang kanyang lovelife dahil wala ngang nababalita. Totoo ba na nagkaroon sila ng relasyon noon ng character actor na si Roy Alvarez?



"Naku, hindi totoo ‘yon! We are just very good friends at masaya ang family life nung tao," sagot ni Chin-Chin.



What about Raymond Bagatsing?



"Nakita mo si Raymond before, ang kasama niya lagi was my Mom. He is also a very good friend," sabi niya.



Iniisip tuloy ng iba, baka iba ang preference niya when it comes to having a partner in life. Ano ang masasabi ni Chin-Chin dito?



"E, alam mo naman ang isip ng tao. Kaya nga, hindi ka dapat nagdarasal sa sarili mong isip. Dapat idinidiretso mo na lang sa Diyos. Malay natin, kung saan nanggagaling ang mga sinasabi nilang ‘yan. Mga salita na kung saan-saan lang nanggagaling."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



So is she gay or not?



"No, I am not!" mabilis niyang tugon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN