Derek Ramsey adds dancing to his list of talents


"Actually, medyo kumportable na rin po ako ngayon. Unlikenoong season one na sobra, para talaga kong aatakihin sa puso! Grabetalaga yung kaba ko noon. Now, hindi ko pa rin naman masasabingkumportableng-kumportable na, but at least, I'm a little bitcomfortable na rin," says U Can Dance co-host Derek Ramsey about dancing on the show.



Thankful daw ang sexy actor na si Derek Ramsey sa ABS-CBN dahil sa mga projects na ibinibigay sa kanya, especially in acting. Kaya naman hangga't maaari, sinusuklian niya raw ito ng pinaka-the best na puwede niyang ibigay.



Natatawa nga si Derek Ramsey nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Saturday sa Studio 10 ng ABS-CBN, after ng U Can Dance. Bukod daw kasi sa pag-arte at paghu-host ay pinasok na rin daw niya ang pagiging dancer.



"Pangalawang beses ko na actually this season na sumayaw, so dinaan ko na lang sa tingin," natatawa niyang sabi.



Last Saturday raw ang huling beses na napanood siyang sumayaw sa show na hinu-host nila ni Iya Villania, kung saan ang dance partner niya ay ang girlfriend na si Angelica Panganiban. Pero ayon kay Derek, instead na mas maging relaxed ay mas kinabahan pa raw siya.



"Mas nakakatakot nga, e. Mas kinabahan ako na kasayaw ko siya [Angelica]," natatawang pag-amin niya.

"Noong first time kong sumayaw, okay lang, e. Pero noong second time na siya ang kapareha ko, nakakatakot kasi kailangan maganda. Magaling siyang sumayaw, tapos baka mapahiya siya dahil sa sayaw ko. Buti na lang, okay naman yung resulta ng sayaw namin. Talagang malaking pressure sa akin ‘yon," kuwento ng hunky actor.



Posible raw na mapanood pa rin siyang sumayaw bago ang finals nila on October 13.



"Siyempre dance show kasi itong show namin kaya kailangan. E, hindi talaga ako dancer..." natatawa pa ring pag-amin niya.



Alam naman daw niya na bilang host ng show, hindi nawawala ang expectation na kailangan niya ring sumayaw.

"Actually, medyo kumportable na rin po ako ngayon. Unlike noong season one na sobra, para talaga kong aatakihin sa puso! Grabe talaga yung kaba ko noon. Now, hindi ko pa rin naman masasabing kumportableng-kumportable na, but at least, I'm a little bit comfortable na rin," natatawang sabi ni Derek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RELATIONSHIP WITH ANGELICA. Walang duda kung gaano kasaya si Derek sa piling ng kanyang girlfriend na si Angelica. Nang kamustahin kasi ng PEP kay Derek ang relationship nila ngayon, kitang-kita ang kaligayahan sa mga ngiti pa lang niya pagkabanggit sa pangalan ni Angelica.



"Kita mo ang smile ko?" natatawa niyang sabi. "Simple lang naman kasi ako. Hindi ko naman kailangan ng malaking bahay. Hindi importante sa akin ang mga ganun. Ako kasi, I live one day at a time and she makes me feel good about that."



Ang girlfriend ba niya ay may ganun din perception sa buhay?



"We enjoy every second of our relationship, so that's what counts."



Si Angelica na nga kaya ang huling babae sa buhay niya?



"Well, we enter into a relationship thinking like that," sabi ni Derek. "We think positively rather than negatively. Pero we know that in life, there are twists and turns that you can't control. But as of now, I am very, very happy with the way our relationship is going."



Nangiti si Derek when PEP asked him kung gaano na nga ba sila katagal na magkasintahan ni Angelica.



"Nakakatawa kasi ‘yon. Official, one month," deklara niya.

"Iyon yung nilagyan ng name. Pero ‘yung knowing, matagal na. Mag-iisang taon na. Alam n'yo kasi yung kailangan ninyong lagyan ng date? Kasi parang when you ask, 'Ano nga ang anniversary natin?' Hindi naman pupuwede yung araw na nagkakilala tayo dahil nagkakilala lang naman tayo nun, di ba? So, dapat may special day.



"And without even thinking or planning, it fell on a special number for us. So, parang ‘yon na ‘yon," natatawa niyang sabi, although he refused to reveal na kung anong number ang tinutukoy niya.

"Sa amin na lang ‘yon," pakiusap niya.



Masasabi niya ba na sa lahat ng naging girlfriend niya in the past ay si Angelica na yung maituturing niyang pinaka-special ang nararamdaman niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Well, like I said, she makes me feel like I can be myself. Hindi niya ako pinipigilan mag-sport, even though nababali-bali na ang katawan ko. Pinagsasabihan niya ako, pero hindi niya ako pinipigilan.



"And in some relationship I had, I didn't feel too good about myself. Kaya siguro hindi nag-last. Pero si Angelica, she makes me feel good about myself," buong ningning niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN