Edu Manzano says he would gladly return "Game KNB?" to Kris Aquino


"I'll be more than happy to give it back to her,. Ako pa ang maghahatid ng programa sa kanyang bahay," says Edu Manzano about the possibility of returning Pilipinas, Game KNB? to its original host, Kris Aquino, once Kapamilya Deal Or No Deal goes off the air.



Galing pa sa kanyang opsina sa Optical Media Board (OMB) si Edu Manzano kaya medyo na-late sa launch ng bago niyang product endorsement, ang V.Go Powdered Energy Drink ng Tubu Food Manufacturing, last September 7 sa Max's restaurant sa Roces Ave.

Para kay Edu, very timely raw ang pagkuha sa kanya as endorser ng energy drink dahil ito ang kailangan niya sa halos ilang oras na lang ang tulog niya sa dami ng kanyang trabaho ngayon.

"Hindi ako nagrereklamo dahil trabaho ito," paglilinaw ni Edu sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Every day kasi, kailangan kong gumising ng 3 a.m. para sa Umagang Kay Ganda at tuloy na ako sa office [OMB], then taping ng Pilipinas, Game KNB?, 1 vs. 100, hanggang sa umuwi ako dahil kailangan, at least, makatulog ako by 10 p.m."

Hiningi ng PEP ang reaksiyon ni Edu sa lumabas na balita na hanggang October 12 na lang ang Kapamilya Deal or No Deal ni Kris Aquino dahil sa October 15 ay simula na ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. Paano kung bawiin na kay Edu ang Game KNB? na hino-host niya daily at ibalik kay Kris na siyang dating naghu-host nito?

"I'll be more than happy to give it back to her," nakangiting wika ni Edu. "Ako pa ang maghahatid ng programa sa kanyang bahay. The truth is, temporary lang naman talaga ang paghu-host ko ng Game KNB? na ibinigay na nila sa akin nang bumalik si Kris at balikan niya ang Deal Or No Deal. Nagpapasalamat ako sa opportunity na ibinigay sa akin ng ABS-CBN dahil lalong na-develop ang paghu-host ko.

"If ever na bawiin sa akin, no problem. Mayroon pa naman akong isang game show, which I also enjoy at madali lang ang pagte-taping ng 1 vs. 100 dahil every Saturday evening lang ito napapanood. Once a week lang ang taping ko at two episodes ang nagagawa namin. Magiging maluwag na ang schedule ko," aniya pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Four times a week, two episodes a day kasi kung mag-taping si Edu ng Game KNB?.

So, may time na siya para gumawa ng teleserye at matuloy na rin ang pagsasama nila ng anak na si Luis Manzano?

"Ayoko nang gumawa ng teleserye," sabi ni Edu. "Sayang ang Sundays ko na siya ko lang pahinga at para makasama ang mga anak ko. Minsan kasi, kapag may teleserye ka, kahit Sunday, nagte-taping ka. Kaya malabo kaming magkasama ni Luis.

"Mahirap gumawa ng teleserye dahil, usually, three to four days a week ang taping. Nakikita ko ‘yon kay Luis. Madalas, papunta na ako sa trabaho, siya pauwi pa lang. Bugbog ang katawan sa pagod at puyat. At least si Luis, bata pa, madali siyang makabawi ng pagod niya."

Nabanggit na rin lang si Luis, puring-puri ni Edu ang panganay na anak dahil napakabait daw nito sa mga kapatid na sina Adi at Enzo. Kuyang-kuya raw si Luis sa kanila. Pero pagdating daw sa only girl nilang si Adi, lumalabas ang pagka-conservative nito.

Sa Friday, September 14, Edu will be turning 52. May nabago na ba sa lifestyle niya?

"Yes, nag-stop na ako ng smoking," sagot niya. "Kahit ang pag-inom, wine na lang, two to three times a week. Paggising ko, kahit very early morning, magaan ang pakiramdam ko. Wala na akong ibang bisyo. Hobby ko na lang ngayon, magbasa, dahil kailangan ko ‘yon as a host."

Nang tanungin si Edu tungkol sa lovelife, sinabi niya na he's very happy. Nauugnay ngayon si Edu sa TV personality na si Pinky Webb.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN