Ruffa Gutierrez clueless about rumored split-up of Richard and Georgina


"Siyempre, mahal namin lahat si Georgina, ng buong Gutierrez family.... So kami, boto kami kayGeorge [para] kay Richard. But then, they're both very young. Siyempre,George is living in Australia, si Richard is here, so medyo malayo silasa isa't isa," says Ruffa Gutierrez about the rumored split-up of brother Richard Gutierrez and Georgina Wilson.



Nagpadaplis sa kanyang pahayag si Annabelle Rama sa The Buzz noong Linggo, September 9, tungkol sa tunay na kalagayan ng relasyon ngayon ng kanyang anak na si Richard Gutierrez at ng girlfriend nitong si Georgina Wilson.

Hindi man direktang sinabi ni Annabelle, nagpahiwatig naman ito na may problema nga ngayon sa relasyon nina Richard at Georgina dahil na rin sa magkalayo sila sa isa't isa. Nandito sa Pilipinas si Richard samantalang si Georgina naman ay madalas na nasa Australia, kung saan ito nag-aaral, at madalang silang magkita sa isang taon.

Nang tanungin si Annabelle kung totoong may idine-date na ibang babae si Richard ngayon ay sinabi nitong, "Alam mo si Richard, nag-e-enjoy lang ‘yon. Wala siyang girlfriend, pero marami siyang friends... Pero right now, marami siyang girlfriends. Dini-date lang."

Pero bimawi nito ang mga tinuran sa bandang huli at sinabing hiwalay ngayon sina Richard at Georgina dahil magkalayo nga sila; nasa Pilipinas ang kanyang anak at nasa Australia naman si Georgina.

RUFFA'S REACTION. Sa pag-asang maliwanagan ang lahat, minabuti ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kausapin ang kapatid ni Richard na si Ruffa Gutierrez sa set ng The Buzz noon ding September 9.

"Well, I didn't know if it is already out in the open," sabi ni Ruffa. "So, I can't really comment about that. Ako, basta ang masasabi ko, Richard has his own life. He's 23 years old and napaka-busy niya. Hindi ako nakikialam sa lovelife niya, pero syempre bilang kapatid niya, may mga preference ako.

"Siyempre, mahal namin lahat si Georgina, ng buong Gutierrez family because matalino siya, mabait, loyal, edukada. So kami, boto kami kay George [para] kay Richard. But then, they're both very young. Siyempre, George is living in Australia, si Richard is here, so medyo malayo sila sa isa't isa."

Nabanggit din ni Ruffa na after mag-aral sa Australia ni Georgina ay dididretso pa ang girlfriend ni Richard sa London for internship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How true na may na may idine-date na ibang babae ngayon si Richard?

"Aba, ewan ko!" bulalas ni Ruffa. "Wala pa akong nakikita na may kasama siya so it's hard for me to comment on that. Basta ang masasabi ko, dapat si Richard mag-focus na lang siya sa career niya, di ba?

"My God! There's so many things going for him and huwag munang lovelife siguro. And si Georgina naman, the family loves her. So whether it's true na naghiwalay sila ni Richard or hindi, nandito pa rin kami for her."

May nakita ba siya na sign or kakaiba sa mga ikinikilos ni Richard bilang epekto ng hiwalayan nila ni Georgina, kung totoo ngang break na sila?

"Hindi pa nga," sagot niya. "Wala pa nga, na-shock ako. Wala akong kaalam-alam, my God!"



OPEN WAR. Samantala, hanggang ngayon ay may "open war" pa rin sina Ruffa at ng kanyang ina na si Annabelle Rama. Ito ay may kinalaman sa pag-uwi sa Pilipinas ng asawa ni Ruffa na si Yilmaz Bektas noong August, kung saan naging sweet na naman sila sa isa't isa na para bang walang nangyaring hindi maganda dati. Tuloy, nagalit si Annabelle at sinabi pang hindi niya mapapatawad ang manugang.

Ano kaya ang puwedeng gawin ng isa sa kanila para tuluyan na silang magkasundo ng Mommy niya?



Ayon kay Ruffa, "Well, as of now, hindi kami masyadong nagkikibuan ni Mommy lately because she has her own personal opinion. Pero normal lang naman sa aming mag-ina ‘yon na nagka-clash kami ng opinion.



"Hindi naman kami magkaaway, hindi lang kami nag-uusap" diin ni Ruffa. "How can you fight naman with your Mom? Siyempre, whatever happens, bali-baligtarin mo man ang mundo, Mommy ko pa rin siya. Siya, inaaway-away niya ako, tine-text-text niya ako ng mga 55 pages."



Ano naman ang isinasagot niya?



"E, di wala. Tahimik. Nagre-retreat ako!" natatawang sabi ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Natatakot ba siya na saktan ng kanyang ina?



"Hindi naman niya ako papaluin," sabi ni Ruffa. "Pero I know, si Mommy kasi when she gets emotional, she says things na minsan she regrets. So, buti na lang nag-teary-teary eyed ako. Kung hindi, baka kung ano na naman ang sinabi niya sa TV."



May sinabi ang Mommy ni Ruffa na bago umalis ng Pilipinas ang mister niyang si Yilmaz ay may nangyari sa kanilang dalawa. Ano ba ang "iniwan" ni Yilmaz kay Ruffa?



"Nag-iwan siya ng remembrance. Sabi ko, rose. He gave me one rose," nakatawang pahayag ni Ruffa.



Sinaktan ba siya ulit ni Yilmaz?



"Ma!" sabay paalam ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN