Jennylyn Mercado explains absence in "SOP"


"Nung gabi po kasi, hindi ako makatulog, parang excited ako. Uminom akong pampatulog. Kinabukasan, nagpa-palpitate ang puso ko. Ang sakit ngulo ko. Tapos nanginginig po tuhod ko," explains Jennylyn Mercado why she failed to show up again at SOP last Sunday.


Pinuntahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Jennylyn Mercado at Mark Herras sa taping nila para sa Magpakailanman kahapon, September 10, sa may Caloocan City.

Habang naghihintay ng take, kitang-kita ang pagiging kampante nina Jennylyn at Mark sa isa't isa. Nakaupo si Jennylyn sa isang silya at sa harap niya naman nakaupo si Mark, sa sahig habang nagbabasa ng script.

Pagkatapos ng eksena, pinagpahinga muna ang dalawa para humarap sa entertainment press at TV crew para ma-interview.

Ito ang unang pagsasama nina Jennylyn at Mark sa television after I Luv NY. Ayon sa kanila, wala naman daw pinag-iba ang pagtitinginan nila bilang magkaibigan at magka-partner.

"Excited nga po ang mga fans namin at magkakasama ulit kami ni Mark," sabi ni Jennylyn tungkol sa muling pagsasama nila ng kanyang ex-boyfriend.

Kabisado na nila ang isa't isa at kahit ano raw ang mangyari, mananatili silang magkaibigan.

Naitanong sa dalawa kung may kissing scenes sila sa episode nila sa Magpakailanman. Pareho silang sumagot ng "marami."

"May isa na kaming nagawa, pero short lang. Mamaya pa yung isa," sabi nila.

Biniro sila kung may naiba ba sa mga halik nila. Si Mark ang sumagot at nagbiro siya na mamaya pa raw niya malalaman ang sagot.

Ang ikinagulat namin, hindi raw alam ng boyfriend ngayon ni Jennylyn na si Patrick Garcia na may kissing scene sila ni Mark.

Naitanong namin kay Jennylyn kung bakit hindi niya ito sinabi kay Patrick.

"Sinabi ko na kami ni Mark ang magka-partner, alam niya ito. Yung kissing scene, hindi ko nasabi. Wala lang. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nasabi," sagot ng young actress.

NO-SHOW AT SOP. Dahil dito, naitanong tuloy kay Jennylyn kung isa ito sa dahilan kung bakit hindi na naman siya nakapunta sa SOP last Sunday, September 9, na birthday celebration pa man din ng kanyang boyfriend. May away ba sila ni Patrick?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Patrick? Wala po, wala kaming away. Okay kami," sabi ni Jennylyn.

Bakit hindi siya nakasipot sa SOP last Sunday.

"Nung gabi po kasi, hindi ako makatulog, parang excited ako. Uminom ako ng pampatulog. Kinabukasan, nagpa-palpitate ang puso ko. Ang sakit ng ulo ko. Tapos nanginginig po tuhod ko.

"Hindi ko talaga ginusto na hindi makapunta this time. Ang make-up artist ko, nasa house na nga po, e. Handa akong make-up-an kahit nakahiga ako. Hindi ko lang talaga kaya," paliwanag ni Jennylyn.

Surprise lang talaga dapat ang appearance ni Jennylyn sa last part ng special song number na ibinigay kay Patrick ss SOP. Si Mark dapat ang second to the last person na kakanta kay Patrick dahil magkasama sila sa Fantastic Man. 'Tapos, susunod sana sa kanya si Jennylyn ngunit dahil nagpasabi na ngang hindi makakarating si Jennylyn, si Mark na rin ang umako ng last song pati ang pagdala ng cake ni Patrick.

Sabi ni Jennylyn, sa September 14 pa naman daw ang actual birthday ni Patrick. Ayaw niya pang sabihin kung ano ang regalo niya sa boyfriend.

Nagbiro naman si Mark kung ano naman ang regalo nito sa boyfriend ng kanyang ex-girlfriend—kinantahan niya raw si Patrick.

May nagtanong kay Jennylyn na baka naman daw napipigilan siya sa pagsipot niya sa SOP. Nagkataon kasing sa dalawang pagkakataon na hindi siya nakasipot sa SOP ay nasa ASAP '07 naman ang co-talent niya kay Becky Aguila na si Angel Locsin.

"Ay, hindi po! Never po akong diniktahan ni Tita Becky. Hindi po ako pinipigilan," sambit ni Jennylyn.

"Nagkakataon lang kasi na Sunday po, palagi akong may shooting for Resiklo. Tapos last Sunday, free day ko, nagkasakit naman po ako," paliwanag pa niya.

Hindi raw alam ni Jennylyn kung kailan siya tuluyang babalik sa SOP kung saan considered siyang regular artist at hindi lang guest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN