PBB Season 1 housemates to Season 2 housemates: "Mas sikat kami."


"Massikat kami. Sino ba ang kilala sa kanila? Si Wendy [Valdez] lang. SiBodie [Cruz] din. The rest, hindi na. Kahit wala na kami sa TV, kami parin ang hinahanap ng tao," replies PBB Season 1 housemate Uma Khouny when asked which PBB batch is most popular.


Malakas ang naging palakpak sa labing-isang present na Pinoy Big Brother (PBB) Season 1 housemates sa presscon ng concert nila na Tuloy Ang Buhay Sa Pinalaking Bahay na gaganapin sa September 15 sa Araneta Coliseum. Wala kasi silang patumpik-tumpik sa pagsagot na mas sikat sila kesa sa PBB Season 2 housemates.

Ang pinaka-vocal sa kanilang lahat na si Uma Khouny ang nagpasimula.

"Massikat kami. Sino ba ang kilala sa kanila? Si Wendy [Valdez] lang. SiBodie [Cruz] din. The rest, hindi na. Kahit wala na kami sa TV, kami parin ang hinahanap ng tao," kampanteng pahayag ni Uma.

Dagdag naman ng PBB Season1 winner na si Nene Tamayo, "Ang sabi nila, kung hindi maganda angpaumpisa, hindi gaganda ang kasunod. Maganda ang naging pasimula naminkaya nasundan pa ng pangalawang season."

"Iba naman kasi ang original. Kahit saan, kasabihan naman na ang original ang best," sabat naman ni Racquel Reyes.

Si Uma na rin ang tinanong kung bakit ang housemates Season 1 pa rin ang hinahanap-hanap ng mg tao.

"Hindinaman lahat, pero ang iba kasi sa kanila [Season 2 housemates],umaakting na. Kami mga tunay. Una, hindi kasi namin alam ang gagawinnoon. Sila alam na nila kung ano ang magpapapansin sa kanila, sointentional na ang ibang ginagawa nila, kaya nagmumukha silang mgaplastic," paliwanag ni Uma.

Nang tanungin sa tingin ni Uma among PBB Season 2 housemates ang pinaka-"acting" sa kanila, si Wendy pa rin ang isinagot niya.

Panghulingtanong kay Uma ay kung sino ang mas plastic sa kanila ni Wendy, at siWendy pa rin ang sagot niya. Pero sinabi ni Uma na sa Bahay ni Kuyalang naman plastic si Wendy dahil hindi niya naman ito nakikita nanglumabas na ito sa bahay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN