Alfred Vargas dismisses rumored wedding proposal to girlfriend LJ Reyes


Sexy actor Alfred Vargas admits that he and girlfriend LJ Reyes have talked about settling down in passing, but never serious. "Siguro mga five years pa. I'm 25 now, LJ will turn 20 on December kaya tamang-tama siguro ‘yon—30 ako, 25 naman siya," said Alfred.



Nagulat ang sexy actor na si Alfred Vargas nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung totoong niyaya na niyang magpakasal ang girlfriend niyang si LJ Reyes.



"Saan po nanggaling ang balitang ‘yan?" nagtatakang sabi ni Alfred nang dalawin namin ang shooting ng pelikulang Banal, official entry sa 2007 Metro Manila Film Festival,sa Marcos Hi-way, Marikina City, noong September 9.

"Hindi po totoo na niyaya ko nang pakasal si LJ," tanggi ni Alfred. "Totoo na kung minsan, napag-uusapan, tuksuhan, biruan, pero hindi po seryoso. Siguro mga five years pa. I'm 25 now, LJ will turn 20 on December kaya tamang-tama siguro ‘yon—30 ako, 25 naman siya.

"Wala namang problema ang relasyon namin. Nakabuti yung pagku-cool-off namin noon. Nag-one year anniversary na kami noong August 3. Busy po siya dahil kasama siya sa Zaido at ako naman, may gagawin din daw ako pagkatapos ng Impostora. Hindi ko pa lang alam kung ano ‘yon."

Isa si Alfred sa mga na-feature sa Cosmopolitan Bachelors 2007, pero hindi siya nakarating sa big bash nito last September 6. Dahil sa hindi niya pagsipot ay iniintriga tuloy si Alfred na sinadya niyang hindi pumunta dahil may nagsabing natakot siya kay Dingdong Dantes, na naging center of attraction doon.

"Hindi po, friends kami ni Dingdong. Grade VI pa lang sa Ateneo, magkakilala na kami. Tinawagan ko nga siya at sinabi kong hindi ako makakarating. Hindi po kasi ako pinayagang umalis sa taping ng Nuts Entertainment dahil wala po kaming ipalalabas last Saturday," paliwanag ng sexy actor.

Dagdag pa niya, "Sayang nga po dahil ngayon lang ako pinayagan ulit ni Nanay Lolit [Solis, his manager] na mag-centerfold. Binawalan muna niya kasi akong mag-pose ng sexy dahil ilalabas po namin ang new edition ng coffee tablebook ko noon. Mas sexy ang additional pictorials dito. Ito po yung hindi namin ginamit na sexy pictorials sa first edition."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN