SexBomb manager Joy Cancio gives her take on Joey-Willie feud


"Ngayon, sa akin, tama lang yung ginawa ni Tito Joey. Hindi porke't galing ako sa Eat Bulaga! or may trabaho kami sa Eat Bulaga!....E, ikaw ang gumawa ng kasalanan, tapos binabago mo yungtopic. Parang hindi siya [Willie] professional artist," says SexBomb manager Joy Cancio.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang talent manager-choreographer na si Joy Cancio kahapon, September 11, sa press launch ng finalists ng "Baile (The Search for the Next Bomb)" sa Funn Line, sa may Timog Ave.

Isa sa napag-usapan namin ay ang tungkol sa alitan sa pagitan nina Joey de Leon ng Eat Bulaga! at Wilie Revillame ng Wowowee. Malaking bahagi ng buhay ni Joy at ng mga alaga niyang SexBomb Dancers ang Eat Bulaga! kaya kinuha namin ang opinyon niya tungkol sa kontrobersiya sa "Wilyonaryo" portion ng Wowowee ni Willie.

"Kasi napanood ko ‘yon, e," sabi ni Joy tungkol sa naturang episode ng Wowowee, kung saan lumabas ang dalawang numer, "2" at "0," sa iisang wheel na dapat sana ay naglalaman lamang ng P2 million jackpot.

"Kasi kung titingnan mo yung ganun, talagang unfair to the people ‘yon. Kasi kami, even before sa ‘Laban O Bawi,' kabilin-bilinan ko ‘yan sa mga girls ko, never nilang sisilipin ang laman nun [box].

"Ayokong pag-iisipan. Kasi puwede mo kaagad sabihin na, ‘Uy, nandun yung jackpot, ‘yon yung piliin mo, ha?' Ayoko ng ganun, ayokong masilipan kami ng maling gawain.

"'Tapos siyempre, alam ko rin dahil, di ba, hinuhugot-hugot lang ‘yon? Wala kaming zero or one dun na dalawa ang factor, talagang isa lang. E, dun [sa ‘Wilyonaryo'] , kitang-kita, di ba?

"Ngayon, sa akin, tama lang yung ginawa ni Tito Joey. Hindi porke't galing ako sa Eat Bulaga! or may trabaho kami sa Eat Bulaga!.... Mali yung ... E, ikaw ang gumawa ng kasalanan, tapos binabago mo yung topic. Parang hindi siya [Willie] professional artist."

Hindi naman daw sinasabi ni Joy na perpekto ang Eat Bulaga.

"Even though may pagkakamali sila, siguro inaayos on-air. Tulad si Bossing [Vic Sotto], di ba, dati kasi [may] numbering yung likod, e [ng boxes sa 'Laban O Bawi']? Since nagsasabi si Bossing na, ‘Twenty thousand pesos, laban o bawi?' Numero pa rin yung sinasabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro nakaligtaan niya na nasa number 2 or number 3 yung one million. E, yung sa dulo, yung second to the last digit, nandun yung one. Parang kauumpisa pa lang, siyempre ang expectation, laban! E, ten pesos pa lang ‘yon! ‘Ay, sorry, sorry!' Ganyan, nagkamali!

"So siyempre, walang magagawa kasi lumaban siya [contestant], e. Pero still, isa lang yung numero, di ba? Pagkakamali ‘yon, hindi pandaraya. ‘Tsaka talagang on air, sinabi niya [Vic], ‘Pasensiya na, tao lang, nagkakamali.' Kaya kami, yung dati, nung last namin, color-coding na siya para hindi conflict sa numbers.

"At ‘yon, nagso-sorry on-air, ‘Pasensiya na.' Saka nakikita ninyo, kapag nagkakamali yung questionnaires, mismong sina Tito Joey ang nagtatanong. ‘O, mag-commercial po muna tayo, pag-usapan natin ‘to.'

"Ito, this time, parang hindi professional ang dating. Parang batang naasar dahil inaasar siya," opinyon ni Joy tungkol sa pag-handle ni Willie sa "Wilyonaryo" controversy.

SEXBOMB. Kailan naman kaya ulit mapapanood araw-araw ang SexBomb sa Eat Bulaga?

"Actually po, meron talagang ganun nung nag-umpisa. Kaso, ako lang po talaga ang nagbigay ng tamang araw kasi dahil nga po loaded ang girls. Because of Daisy Siete and at the same time, we have Tok Tok Tok. Tapos medyo nagpaalam nga po ako sa Unang Hirit kasi medyo nangangarag yung mga girls. Ganun po ka-expose sa GMA 7 ang mga girls. Sa Bulaga, talagang twice a week lang at saka every Saturday kapag may uubra silang slot," paliwanag ni Joy.

Isa sa mga developments ng grupo ay ang paghahanap nila ng bagong member via "Baile" sa SIS na sa Lunes, September 17, na ang grand finals.

Kumusta naman ang relasyon nila ng SexBomb Girls? Lalo na't kamakailan ay may mga nawala na nga sa grupo; ang iba ay kusang nagpaalam at yung iba naman ay tinanggal bilang disciplinary action.

"Okay naman kami," sagot ni Joy. "Ako naman, kapag may nakikita akong mali, lagi kong sinasabi kaagad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Yon nga ang sinasabi ko sa kanila, ‘Since public property na kayo, walang sikreto sa inyo. Merong mga tao diyan na kung nadambahan o nasagaan ninyo or something, magsasalita't magsasalita ‘yan. Hindi ko na kontrol ang mga bibig niyan. Kaya ‘yon nga ang sinasabi ko, ingat, ingat sa mga ganyang gawain, at tantanan na yung mga mali, ikorek na.'"

What if may isang member ng EB Babes na magtangkang lumipat kay Joy, tatanggapin ba niya ito?

"Siguro po hindi siya mapupunta sa SexBomb unless na talagang... Itatanong ko kay Ma'am Malou [Choa-Fagar, lady boss ng Eat Bulaga!] kung tapos na ba ang kontrata, kasi lumilipat. Ngayon, kapag sinabi ni Ma'am Malou na okay lang, tatanggapin ko, pero hindi sa SexBomb. Sa ibang grupo ko siya ilalagay for delicadeza," sabi ni Joy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN