Billy Crawford on KC Concepcion: "I said nothing derogatory about her."


"Ayoko na talagang magbigay ng kahit anong commenton KC hangga't hindi ko mismong naririnig sa kanya ang mga ganyan athindi pa talaga kami nagkakausap. I have nothing but respect andpraises for her," says Billy Crawford about KC Concepcion.


Dahil naiintriga lately ni Billy Crawford kay KC Concepcion, minabuti ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin angreaksiyon ng international singer sa pagtawag diumano sa kanya ng anakng Megastar na si Sharon Cuneta ng "ungentleman." Ito ay nag-ugat sa radioguesting ni Billy sa show ni DJ Mo Twister noon, kung saan sinabi diumano ni Billy na nahalikan na niya si KC.

"I haven't seen or talked to KC for a long time. Mga one year na siguro kaming hindi nag-uusap man lang and the saidissue was a long, long ago issue pa. Ang hirap kasi dito sa atin,pinipik-up lang ang negative at ini-ignore na yung mga magagandangbagay na sinabi ko," sabi ni Billy sa presscon ng first major concert niya sa Pilipinas na It's Time, na ginanap kaninang hapon, September 12, sa Tramway Garden Buffet sa Timog Ave.

"In that said radio interview," patuloy niya, "we were having fun and it was madeclear then na katuwaan lang ang lahat. It was a six o'clock [morning]radio program that intends to generate fun and laughter lang. Malinawna malinaw sa pagkakatanda ko na nagbigay kami ng warning na nothingserious should be taken out of the remarks that I would say. I saidnothing derogatory about KC, pero dun sa mga pumik-up ng isyu, negativepa ang ipinalabas and they made it controversial.

"But I did apologize. Kay KC, kay Tita Sharon, o kung kay Direk Lino[Cayetano, KC's rumored boyfriend] man dun sa palagay nilang hindimaganda sa sinabi ko. Ayoko na talagang magbigay ng kahit anong commenton KC hangga't hindi ko mismong naririnig sa kanya ang mga ganyan athindi pa talaga kami nagkakausap. I have nothing but respect andpraises for her," paliwanag ni Billy.

Meanwhile, Billy honestly opined that he somehow has something to thank for on the issue about him and KC.

"Kasi kung hindi nababanggit ang name ko, e, baka mag-iba na ako ngtrabaho. Parang ganun lang 'yon, e. Pag napag-uusapan ka, meaning mayinteres sa iyo ang mga tao. May mga magpapa-picture o magpapa-sign.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sanay na ako sa ganyang bad press, even in France o kung saan manako may show. It's just that dito nga sa atin, usung-uso yungpagpapalaki ng isyu kahit you meant no harm or bad to a person lalopa't kaibigan mo naman," sabi pa ng dating child star.

Naitanong din ng PEP kung plano niyang imbitahan sa concert niya si KC at ang pamilya nito.

"Of course, it would be great!" sagot niya. "Papadalhan ko sila ngtickets at sana nga mapanood nila ang show dahil it's worth their time.Mas maganda na ‘yon kesa dun sa mga negang usapan."

Twenty-two years na sa showbiz si Billy. Grateful siya na samahabang panahon na ito ay natutunan niyang maging responsable atrumespeto sa kapwa.

Nakalakihan na raw niya sina Sharon Cuneta kaya't nahihiya siyangma-drag muli ang pangalan ng mga ito, lalo pa't may show siyangpinu-promote. Pero sa huling pagkikita naman nila ni Sharon sa premiereng Ouijalast July, ay paulit-ulit niyang ginawa ang paghingi ng sorry dahil sataas ng respeto niya rito bilang isang tao at magulang ni KC.

BILLY BEHIND THE CAMERA. One year to go na lang si Billy sakanyang Studio Engineering course sa New York University at planoniyang makuha na niya ang kanyang diploma soon.

At 25 years old, focus ni Billy Joe ang kanyang singing andrecording career, pati na rin ang ilang movie offers from internationalmovie outfits. He still sees Philippines as his mother home and if he settles down inthe near future, he wants to raise hisfamily here.

"Sobrang iba dito!" bulalas niya. "If ever na magkakaroon na ako ngmga anak, I want them to stay here, study here first, bago sigurosumubok sa ibang bansa."

Pinay pa rin daw ang preferred wife-to-be niya, though he had hislast serious relationship three years ago with a foreigner that lastedonly less than a year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba kasi ang attitude ko pagdating sa priorities. Nagkataon lang namarami pa akong gustong ma-achieve as a singer and an artist, kaya'tkaya kong mabuhay na walang seryosong lovelife," sabi niya.

Happy naman daw siya sa kanyang mga ginagawa at wala siyang oraspara sa mga "earthly desires/needs," including one-night stands.

"Not my interest at all. Hindi ko talaga linya ang mga ganyan," ang natatawa nitong sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN