Judy Ann Santos to do a Valentine movie with Richard Gutierrez


Superstar Judy Ann Santos will visit some U.S. cities in October for the premiere nights of Ouija, the horror film she co-starred with Jolina Magdangal. Juday is also scheduled to do the sequel of the said horror movie and a Valentine movie that will pair her with Richard Gutierrez.



Tiyak na ikatutuwa ng mga fans ni Judy Ann Santos ang balita na finally ay matutuloy na rin ang premiere night sa ilang cities sa United States ng horror movie nila ni Jolina Magdangal, ang Ouija.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Judy Ann na si Alfie Lorenzo sa 9501 restaurant ng ABS-CBN kahapon, September 12, at sinabi niyang tuloy na ang international premiere ng Ouija. Magsisimula ito sa October 7 San Diego, California; pagkatapos ay tutuloy sila sa Las Vegas sa October 8. Mayroon din silang premiere night sa New Jersey, San Francisco, Los Angeles, Florida, at Chicago.

"Seven places lahat ‘yon," sabi ni Tito Alfie.

Tinanong namin ang talent manager-columnist kung hindi ba ito makakaapekto sa audience attendance ng Ouija premiere gayong by that time ay nakalabas na rin ang DVD ng naturang horror film ng GMA Films at Viva Films.

"Hindi bumili ng tapes ang mga fans ni Juday," sabi ni Alfie. "Nagkaisa raw silang sa premiere night na lang bibili ng tapes para maipa-autograph nila kay Juday. Aalis kami sa October 1 dahil may two shows pa sina Juday at Ryan Agoncillo, ang Lovespeak."

Kinumpirma rin ni Tito Alfie ang balitang gagawa ng pelikula si Juday, katambal si Richard Gutierrez. Ito raw ang magiging Valentine presentation ng GMA Films at Regal Entertainment at posibleng makatapat naman ng pelikulang gagawin nina Piolo Pascual at Angel Locsin sa Star Cinema.

Ayon pa kay Tito Alfie, kasama rin sa Juday-Richard movie ang unang ka-loveteam ng aktres na si Wowie de Guzman, na gaganap bilang first boyfriend ni Juday sa pelikula. Si Joey Reyes ang magdidirek at siyang susulat ng pelikula.

Kailan naman kaya sisimulan ang shooting ng pelikula nina Juday at Richard? Hindi ba ito magkakaroon ng conflict sa shooting nina Juday at Ryan Agoncillo ng Sakal, Sakali, Saklolo, na balita'y kukunan pa sa Barcelona, Spain?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, hindi kami naniniwalang matutuloy yung Barcelona, Spain na sinasabi nila," diretsong pahayag ni Tito Alfie. "Kailan pa? Kasisimula lang ng shooting at may mga schedules na nga kami sa October. Hindi ba yung last movie nina Juday at Piolo, dapat sa Barcelona, Spain din? Pero natuloy ba?

"Gusto sanang magbakasyon ni Juday sa Christmas, pero baka ‘yon ang ibigay niyang schedule para makapag-shooting sila ni Richard. Kapag nag-shoot na lang ng Ouija 2 sa States saka siya magbabakasyon."

Sinabi rin ni Tito Alfie na ang sequel ng Ouija ay solo na lang na ipu-produce ng GMA Films at hindi na kasama ang Viva Films.

"Yes, sabi naman ni Annette [Gozon-Abrogar, president of GMA Films], kaya daw naman nila, kaya tuloy ‘yon next year," sabi ng manager ni Juday.

Kuwento pa niya, "Totoo yung sinabi ko na hindi ako papayag na gawin ni Juday ang Ouija 2 kapag nakipag-co-produce ulit ang Viva Films sa kanila. Nakarating daw yung sinabi ko kay Vincent del Rosario. Tinawagan niya ako, mag-dinner daw kami. Oo naman ako. Tinawagan ako ni Vincent nung Friday, August 31, tatawagan daw niya ako ng Monday, September 3. Pero nakadalawang Monday na noong September 10, hindi pa niya ako tinatawagan, kaya wala na ‘yon."

Sa kasalukuyan ay tinatapos na ni Judy Ann ang shooting ng horror movie nila ni Dennis Trillo, ang Kulam, for Regal Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN