Sunshine Dizon finally speaks up about rumored boyfriend Jojo Manlongat


Actress Sunshine Dizon finally breaks her silence about rumored boyfriend Jojo Manlongat, a businessman. "He's someone who's there for me right now," says Sunshine about Jojo.



Next week ay final week na ng soap opera ng GMA-7 na Impostora at nakapag-last taping day na sila noong nakaraang Wednesday, September 5. Medyo may lungkot sa mga mata ni Sunshine Dizon nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) dahil muli na namang natapos ang isang TV show na kanyang minahal.



Ayon kay Sunshine, palagi naman daw siyang nalulungkot kapag may TV show siyang magtatapos na. Masyado raw kasi siyang nagiging close sa mga katrabaho niya, mapa-artista man o production staff.



"Malungkot, and at the same time, may saya rin because magtatapos ang Impostora na maganda ang kinalabasan," nakangiting pahayag ni Sunshine. "In the last two weeks, nag-top sa ratings ang Impostora and that is all because of the great story na meron kami.



"Aminado kami noong simula, hindi masyadong na-grasp agad ng mga tao ang istorya namin. Pero nito lang, tumutok na sila and we're very thankful sa mga televiewers who made us number one sa oras namin even for just two weeks. Malaking bagay na sa amin ‘yon."



VACATION. Planong magbakasyon muna ni Sunshine for one month bago siya magsimula ng bago niyang project sa Kapuso network. May nakahanda na raw proyekto para sa kanya, pero wala pa raw siyang clue kung ano ito.



"Sinasabihan na ako and excited na naman ako to start a new soap drama. Wala pa akong masyadong alam sa bago kong show pero knowing GMA-7, maganda na naman ito at kaabang-abang.



"Magbabakasyon muna ako para naman makapag-prepare na rin. Hindi biro itong taping namin ng Impostora kasi halos every day kami nagtrabaho para mapaganda namin nang husto. Ngayon, bakasyon muna kaming lahat. Siguro naman, we all deserve a break muna," sabi ng aktres.



BACK TO SCHOOL.
Isa rin sa goals ni Sunshine ang makabalik sa school. Nag-i-inquire na raw siya regarding sa Open University ng University of the Philippines. Gusto niya raw makakuha ng anumang kurso para naman makapagsimula na siya sa kanyang planong makatapos ng college.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Marami namang may alam na gusto ko talagang makabalik ng school," ani Sunshine. "I want to finish a college degree, pero ito nga, naging sunud-sunod ang mga trabaho ko. Before Encantadia ko pa plinano na bumalik sa pag-aaral, pero sayang naman ang mga opportunities na dumarating.



"Pero this time, kaya ko nang ibalanse lahat. I am inquiring nga sa Open University of UP because I heard na maganda ang mga special courses nila, lalo na sa mga celebrities who want to finish college. I am very interested sa program nilang ‘yan."



Kung masusunod nga si Sunshine at hindi maging sagabal ang kanyang schedule, gusto rin niyang mag-take up ng isang culinary course.



"I love cooking and baking noon pa. Hindi ko lang talaga matutukan because of work. Pero this time, parang gusto ko nang ituloy talaga. Na-miss ko na ang mag-ikut-ikot sa kusina. Sabi ko sa inyo, marami akong gustong gawin and I want to do all that habang kaya ko pa at habang may means ako na gawin lahat ‘yon."



LOVELIFE. Pero sa personal life ni Sunshine, mukhang okay rin naman lahat. Lumabas na nga ang balitang may relasyon siya sa businessman na si Jojo Manlongat. Hindi masyadong nagkukuwento si Sunshine tungkol sa kanyang lovelife, pero hindi naman nagdamot si Sunshine sa PEP sa pagkakataong ito.



"Sino si Jojo Manlongat sa buhay ko? Well, he's someone who's there for me right now. Hanggang doon na lang siguro ang puwede kong masabi. Jojo kasi is not from showbiz and alam naman ng marami how private I am with my lovelife. I guess I want to keep that part of myself private. Pero masaya ako sa nararamdaman ko ngayon," nakangiting saad ni Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN