Model Martin Jickain denies Aiko Melendez left him because of his alleged womanizing


"Hindi po totoong may bisyo ako. Hindi ako nagsusugal, hindi nambababae. Ni sigarilyo nga po ay hindi ako marunong. Droga? Hindi rin po, dahil may ini-endorse ako kaya hindi puwede," model Martin Jickain defends himself against claims that wife Aiko Melendez left him because of his womanizing.



Kasunod ng pagkumpirma ng kaibigan at publicist ni Aiko Melendez na si Ogie Diaz sa radio program nito na Wow...Ang Showbiz sa dzXL kaninang umaga, September 13, na hiwalay na ang actress-politician sa asawa nitong si Martin Jickain, tumawag naman si Martin sa radio program nina Cristy Fermin at Jobert Sucaldito na Showbiz Mismo sa dzMM kanina ring umaga upang sabihin na nasasaktan siya sa nangyayari sa kanila ni Aiko.



Nilinaw ni Martin na hindi pa nila pormal na napag-uusapan ni Aiko ang tungkol sa kanilang paghihiwalay. "Civil naman kami sa isa't isa. Kung physically hiwalay? Ata," sagot nito nang tanungin siya kung totoong hiwalay na nga sila ni Aiko.



Sinabi pa ng 23-anyos na model na ang mag-ina niya na sina Aiko at Marthena ang umalis sa kanilang bahay sa Tivoli Royale subdivision sa Batasan Hills, Quezon City, at naroon pa ang kanilang gamit at damit.

"Two days ago pa lang po ako nakaalis ng bahay namin," sabi ni Martin.

Ayon sa naunang ulat ng PEP (Philippine Entertainment Portal), may kinalaman diumano sa pagiging babaero ni Martin ang dahilan kung bakit siya hiniwalayan ni Aiko. Pero mariin itong pinabulaanan ni Martin.

"Hindi po totoong may bisyo ako," pagtatanggol niya sa sarili. "Hindi ako nagsusugal, hindi nambababae. Ni sigarilyo nga po ay hindi ako marunong. Droga? Hindi rin po dahil may ini-endorse po ako kaya hindi pwede."



Ikinasal sina Martin at Aiko noong February 16, 2006 sa Fernwood Gardens sa Quezon City. May isa silang anak, si Marthena, na nagdiwang ng kanyang unang kaarawan noong July 28.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN