DepEd picks Sam Concepcion as its new spokesperson


Young singer Sam Concepcion (in photo) follows in the footsteps of the late Rico Yan, Onemig Bondoc, and Dingdong Dantes as he was recently chosen as the Department of Education's spokesperson. "I'm happy and very honored. At least, I will be able to inspire the youth," says Sam about his new calling.



Expected nang kasama si Sam Concepcion sa special guests ni Christian Bautista sa upcoming concert ng huli titled Christian, Inspired, na gaganapin sa Cuneta Astrodome on October 6. Pareho kasi silang talent ng Stages under Carlo Orosa.

Unang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Sam sa presscon ng naturang concert ni Christian kahapon, September 14, sa Tempura Japanese Grill, Tomas Morato, ang pagiging bago at pinakabatang spokesperson niya ng Department of Education (DepEd).


"I'm happy and very honored. At least, I will be able to inspire the youth," nakangiting pahayag ng batang singer.

Ano ba ang pakiramdam na after Rico Yan, Onemig Bondoc, and Dingdong Dantes ay siya ang sumunod na kinuha ng naturang sangay ng pamahalaan upang maging spokesperson?

"It's really, really a big responsibility and big challenge to me because before me were really big stars. I'm honored na nilagay nila ako sa posisyon na ito," sagot ni Sam.

"It's really a big thing. Sana matulungan ko sila [mga kabataan] at ma-inspire ko rin sila sa iba't ibang aspect ng education. Not just that, but about enhancing their skills, and also, I will teach them to have a strong relationship with God. Sana magawa ko. Great things will come at mangyayari lang 'yon if we will be serious about our goals."

Tungkol naman sa career ni Sam, gumanap siyang lead sa Philippine staging ng High School Musical ng Disney. Pero sa Book 2 ng Super Inggo, ang fantaserye ng ABS-CBN kung saan ginampanan niya ang papel ni Boy Bawang ay hindi na siya kasama. Masama nga ba ang loob ni Sam kaya madalas ay nagge-guest na siya sa mga programa ng GMA-7?

"That's not true," tanggi niya. "Nagge-guest nga ako sa GMA but there's nothing wrong with that kasi I'm not naman exclusive sa ABS-CBN."

Sinasabi rin na naungusan na ng husto ni Makisig Morales si Sam na parehong produkto ng Little Big Star. Ang kakulangan daw kasi ni Sam kumpara kay Makisig ay hindi raw ito pang-masa. Ano ang reaksiyon ni Sam dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They say nga na I'm not pang-masa. What will I do? I'm just being myself," sabi naman niya.

Kasalukuyang nagpo-promote si Sam ng kanyang self-titled album. Masaya ring ibinalita ni Sam na malapit na raw mag-gold status ang kanyang album. Natutuwa ang batang singer na madalas ng pinapatugtog sa mga radio ang kanyang latest single entitled "Even If."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN