Christian Bautista shrugs off malicious talks about his friendship with Piolo and Sam


"We're friends. Parang barkada na hindi naman kailangang bigyan ng malisya. Very natural sa show business. Lahat naman binibigyan ng kulay," says Christian Bautista (in photo) about his friendship with ASAP co-hosts Piolo Pascual and Sam Milby.


All set na ang tinaguriang Asia's Pop Idol na si Christian Bautista for his first major solo concert this year, ang Christian Inspired, sa Cuneta Astrodome on October 6.

Aware si Christian na sa mismong linggo ng concert niya ay maraming ibang artists na makakasabay na magkakaroon din ng kani-kanilang major concerts. Hindi naman itinanggi ni Christian na nandoon ang "kaba" with the competition, pero hangga't maaari raw ay ayaw niyang i-entertain ang ganoong pakiramdam.

"Kabado! Kabado siyempre, pero I don't let it get to me. Kasi kahit na maraming concerts na kasabay, the best that I can do from now is to promote. Like I have posters all over my car. I'm telling my friends," natatawa niyang sabi sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng kanyang concert kahapon, September 14, sa Tempura Japanese Grill, Tomas Morato.

Ano ang masasabi niyang edge niya over the other artists na magkakaroon din ng concert—like Billy Crawford, Erik Santos, and Mark Bautista?

"First, mauuna ako, October 6, I'm gonna be the first with Billy Joe [in Araneta Coliseum], of course. Second, they don't have the ‘watch-out' screen [an enormous multi-display presentation technology with the dimension of 9x42 feet that will surround the stage]. I'm gonna be the first in the Philippines who's gonna use that. Third, I'm going to sing my songs—The Way You Look At Me and some other hits. And fourth, I have wonderful guests, friends."

Ang mga guests ni Christian sa kanyang concert ay sina Toni Gonzaga, Sam Milby, Kuh Ledesma, Joni Villanueva, Tricia Amper-Jimenez, Sam Concepcion, at Gary Valenciano.

Kapansin-pansin sa listahan ng kanyang guests na wala ang pangalan ng singer-girlfriend niya na si Rachelle Ann Go.

"'Yon nga, e. Kasi she has a previous booking sa Pangasinan na dating-dati pa na-book. So, it's far. Although hindi siya part ng show, pero sabi ko sa kanya, humabol siya at sabi naman niya, hahabol daw siya," paliwanag ni Christian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Christian, napag-usapan na raw nilang "Champions" sa ASAP '07 na papanoorin nila ang concert ng bawat isa.

GENEROUS BOYFRIEND. Tinanong din namin si Christian tungkol sa naging pahayag ni Rachelle dito sa PEP na isa raw siyang galanteng boyfriend.

"Galante? Well, I'm learning... Honestly, when I was starting, medyo tipid ako. Pero now, I am learning to be more generous. I am more generous now with my blessing and especially with Rachelle," saad niya.

So, gaano na siya kagalante ngayon?

"Ngayon? Mas galante!" natatawa niyang sabi.

Ayaw pa sanang i-reveal ni Christian kung ano ang naging gift niya sa nakaraang birthday ni Rachelle, pero nang sabihin namin na sinabi na ng girlfriend niya na isang Louis Vuitton bag ang ibinigay niya sa kasintahan, hindi na nagkaila ang singer.

"Oh, well, sinabi na pala niya... I bought it in London for her birthday. Ano lang ‘yon...to prove to her...kasi, it's something that she really wanted ever since. Nang maibigay ko nga sa kanya, naiyak siya. Sabi nga niya, 'Finally, meron na ako,'" kuwento ni Christian.

MARRIAGE. Ayon kay Christian, napag-uusapan na raw nila ni Rachelle ang tungkol sa kasal, pero hindi pa rin daw nila napagpaplanuhan ang bagay na ito.

"Matagal pa, we still have a lot of things to do," sabi niya. "We're still young and we don't wanna rush. For me, 30 is the ideal age. Pero hindi mo nga masasabi. What if everything works out before 30, di ba? Ako, if we have a relationship, that should be our goal."

Pareho pa rin ba ang goal niya na his first girlfriend should also be his last?

"That's the ideal for me," sagot ni Christian. "Pero ‘yon nga, hindi mo rin masasabi. But if I have a girlfriend, my goal is to marry her. So, I'm gonna do my best with this relationship to work. Depende kung mapatagal or mapabilis."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GAY ISSUE. Hindi na rin pinalampas ng PEP ang pagkakataon na tanungin si Christian tungkol sa paglalagay ng malisya sa friendship niya with other ASAP boys na sina Sam Milby at Piolo Pascual. Ano ang reaction niya rito?

"Well, I heard about that," pagkibit-balikat niya. "We're friends. Parang barkada na hindi naman kailangang bigyan ng malisya. Very natural sa show business. Lahat naman binibigyan ng kulay."

Okay lang ba sa kanya na dahil sa closeness na na-develop sa kanila nina Piolo at Sam ay tila nabubuhay na naman ang gender issue sa kanya sa kabila ng kaalaman ng lahat na may girlfriend siya?

"Actually, it only proves that the gender issue is not true because we're still willing to be seen and we still go out as friends. Kung umiiwas-iwas kami, baka ‘yon na, may problema. Pero wala naman kaming problema, so we go out. We play badminton. ASAP. Bible study. We help each other. Isang barkadahan," pagtatapos ni Christian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN