Jenica Garcia and Mart Escudero start shooting for "Hide and Seek"


Jenica Garcia and Mart Escudero have started taping for their launchingmovie, Hide and Seek, which will be the Halloween offering of RegalEntertainment this year.


Natuloy na ang first shooting day ng Hideand Seek, ang launching movie ng love team nina Jenica Garcia at MartEscudero sa Regal Entertainment. Ilang beses ding naurong ang scheduled firstday shooting dahil may small details pang inayos.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na natuloy kahapon,September 13, ang shooting ng horror movie na Hide and Seek sa Magalang,Pampanga. Ang script ay sinulat ni Gina Marissa Tagasa-Gil at sa direksyon niRahyan Carlos.

Hindi pa man nagsisimula ang shooting, may playdate na ang movie.Halloween presentation ito ng Regal kaya inaasahan na sa October 31 ang showingnito. Sunod-sunod ang proyekto ng dalawa matapos silang magsama sa GMA-7 dramaseries na Impostora. Once-a-week naman ang taping nina Jenica at Martpara sa teen-oriented show Boys Nxt Door at‘di pa rin sila nagti-taping ng Pasan KoAng Daigdig, kaya makakapag-concentrate sila sa shooting ng kanilanglaunching movie.

Kundi nagkasama sa eksena sa Impostoraang mag-inang Jenica at Jean Garcia, dito'y babawi sila't mag-ina angkanilang role sa Hide and Seek. Si Jenica ay si Nica Alicanio at siJean ay si Leah Alicanio. Samantala, si Eric Quizon naman ang gaganap sa roleni Oliver Alicanio, ang stepfather ni Jennica sa pelikula.

Ang iba pang susuporta kina Jenica at Mart ay sina Ryan Eigenmann bilangGener Buntag, Valeen Montenegro, Rubi Rubi, Angel Sy, Julio Piske, atAlessandra de Rossi as Dolor Buntag, ang babaeng nagmumulto.

Una ang Hide and Seek saeight-picture exclusive contract na pinirmahan nina Jenica at Mart sa Regal athindi pa man natatapos, hinahanda na ang follow-up movie nila. Isang love storyna may working title na Now That I FoundYou na sinulat ni Dinno Erece and to be directed by Joel Lamangan anggagawin nila sa November.

Ipinapasulat na rin ni Mother Lily kay Dinno ang third project ni Jenicana pagsasamahan nila ni Lovi Poe. Ang upcoming project na ito ay remake ngisang Regal hit movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN