RJ Jimenez did not receive an offer from Dream Big Productions to renew his contract

by Dinno Erece
Sep 14, 2007
RJ Jimenez confirms reports that he did not receive an offer from Dream Big Productions to renew his contract. The former scholar of Pinoy Dream Academy will have a concert at Ratsky Tomas Morato on September 28.

A matter of terminology lang daw kung sino ang hindi pumirma o hindi pinapirma kung kaya't wala na si RJ Jimenez sa Dream Big Productions.

Nagulat ang PEP (Philippine Entertainment Portal) nang nakatanggap kami ng imbitasyon para sa nalalapit na birthday press concert ni RJ this September 28 sa Ratsky Tomas Morato. Isang staff ng Star Magic ng ABS-CBN ang nag-invite, hindi ang Dream Big Productions.

Last week, naglabas na ng statement ang Dream Big na ang tatlong top winners lang ng Pinoy Dream Academy (PDA) Season One ang pinag-renew ng contract for the talent management arm na binuo ng Endemol at ABS-CBN. Ang top three scholars ay sina Yeng Constantino, Jay-R Siaboc at Ronnie Liang.

Bagama't naisama ng Dream Big Productions si RJ Jimenez sa katatapos lang na US tour at pati na rin sa official PDA Guam show, naging solo artist si RJ one week after the show in the US colony.

Ang unang naging balita, si RJ at ang kaniyang manager ang hindi na pumirma sa Dream Big since they want to go freelance.

Continue reading below ↓

Kinorek ito ng Dream Big at sinabing hindi na talaga pinarenew ang contract ni RJ. Ito agad ang una naming tinanong kay RJ sa kaniyang biglaang press con kaninang hapon sa Dencio's Grill.

"Nag meeting po kami with Direk Lauren [Dyogi, head of Dream Big Productions]. Tinanong niya kung ano ang plans namin. Sagot namin we go independent muna," paliwanag ni RJ.

Inusisa namin sa kaniya kung totoo ang balitang ang Dream Big raw ang hindi nagpapirma sa kaniya. "That's true po, there was no offer from them," pahayag ni RJ.

"Pero it's a matter of terminology na lang siguro kasi kami naman din ang tinanong kung ano ang plano namin. Nagpapasalamat po ako sa PDA dahil sa laki ng break na binigay nila sa akin. I'm just trying out other options."

Tinanong namin ang manager ni RJ kung papasok na ba ang kanyang alaga sa Star Magic dahil ang staff ng talent management arm ng ABS-CBN ang nag imbita sa amin para sa press con.

Continue reading below ↓

"Nothing official yet," sagot ni Tintin Rodriguez, ang manager ni RJ. "There are initial talks and negotiations. Pero as of now, nothing official."

Read Next
Read More Stories About
RJ Jimenez, Pinoy Dream Academy
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
RJ Jimenez confirms reports that he did not receive an offer from Dream Big Productions to renew his contract. The former scholar of Pinoy Dream Academy will have a concert at Ratsky Tomas Morato on September 28.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results