Robin Padilla donates hefty amount to Muay Thai group


Action superstar Robin Padilla reportedly donated P2.5 million to the Muay Thai Association of the Philippines, but he chose to keep silent about this. "Mas magandang huwag na lang masyadong pag-usapan. Ang mahalaga niyan aymapunta ito sa mga manlalaro natin na mula't sapul ay nagdadala ngkarangalan sa ating bansa," says Robin.



Hangga't maari ay ayaw nang pag-usapan ni Robin Padilla ang kanyang pagdu-donate ng P2.5 million sa Muay Association of the Philippines. Ang nasabing halaga ay talent fee ni Binoe sa pag-endorso ng isang contest ng PTT, isang gas company sa ng Thailand.

Ayon sa action star, hindi raw mahalaga na pag-usapan ito. Ang importante raw ay makatulong siya sa organisasyong matagal na niyang pinaniniwalaan.

"Kung ide-deny ko, sasabihin n'yo sinungaling ako. Kapag inamin ko naman sasabihin n'yo mayabang ako. Mas magandang huwag na lang masyadong pag-usapan. Ang mahalaga niyan ay mapunta ito sa mga manlalaro natin na mula't sapul ay nagdadala ng karangalan sa ating bansa. Sa tinagal-tagal kong chairman ng Muay Association, ni minsan ay hindi nakatanggap ng pera ang mga taong ito," pahayag ni Binoe sa GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal).

Inaasahan ni Robin na makakatulong ang salaping kanyang nai-donate sa training ng mga atleta. Umaasa rin siya na mas maraming medalya ang maiuwi ng mga ito sa darating na Southeast Asian Games.

Samantala, tutulak naman papuntang Queensland, Australia si Binoe. Doon daw niya tatapusin ang Ramadan.

Ikinuwento pa niyang nagbabakasyon daw sa Australia ang mga anak nila ni Leizl Sycangco na sina Queenie at Kylie. Kapag bumalik daw ang mga ito ay balik-training ng Muay Thai ang dalawa na pawang mga blackbelter sa martial arts.

Hindi na raw niya mapigilan ang pagpasok showbiz ang dalawang bata.

"Ang nanay lang nila ang pumipigil. Baka raw makapag-asawa ng maaga. Sabi ko nga, hayaan mo nang mag-asawa para wala na tayong problema, pagbibiro ng tinaguriang Bad Boy of Philippine Movies.

Excited naman si Robin na simulan ang bago niyang action series sa GMA-7, ang Joaquin Burdado. Medyo may kahirapan daw ang demands ng role sa Carlo J. Caparas's komiks classic na ito kaya't ngayon pa lang ay todo-sakripisyo na ang ibinibigay ng action star dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May kahirapan ito dahil ang gusto nila payat ako dito dahil parati akong nakahubad dito. Ang hirap mag-diet. Mabuti na lang nasabay sa Ramadan kaya't nasasabay na rin sa diyeta," ayon kay Binoe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN