Rising star Jenica Garcia spends well deserved earnings wisely


Young actress Jenica Garcia has been in show business for only a few months, but she already enjoys many projects and her well earned money. After being introduced in Impostora, she is now part of Boys Nxt Door and Pasan Ko Ang Daigdig. She is also currently shooting her debut movie, Hide and Seek.



Isang Mac laptop ang bibilhin ni Jenica Garcia as a personal gift to herself ngayong kumikita na siya. Ang first salary raw niya sa una niyang soap opera, ang Impostora, ay ibinangko niya. Ang iba naman ay ipinangtulong niya sa gastos sa bahay.

"Iyon pong salary ng driver at yaya ko, sinabi ko na kay Mommy [Jean Garcia] na ako na ang magpapasuweldo sa kanila," sabi ni Jenica nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa thanksgiving party ng Impostora kahapon, September 15, sa Finio restaurant sa Tomas.

"Mayroon na rin po kasi akong sideline, kinuha po akong endorser ng Tomato at Bon Jour shirts and pants. Doon ko po kukunin ‘yong ipambibili ko ng laptop na matagal ko nang gustong bilhin."

Thankful si Jenica na kahit hindi pa siya tapos sa Impostora ay nagsimula na rin siyang mag-taping para sa Sine Novela na Pasan Ko ang Daigdig, kung saan muli silang magkapareha ng ka-love team niyang si Mart Escudero.

"Medyo nanibago po ako kasi magkaiba po ang character ko sa dalawang soap. Sa Impostora po, mahirap lang po ako. Kahit ano puwede kong isuot, kapag malaking t-shirt ang isusuot ko, nanghihiram lang ako sa tita ko. Pero sa Pasan, ako naman po ang mayaman. Mahirap pong magbihis, kaya kailangan ko pong bumili ng mga bagong damit. Mabuti na lang very supportive si Mommy, alam niya kung saan ako puwedeng bumili ng medyo mura pero disenteng dresses," lahad ni Jenica.

Nagse-share din ba siya ng talent fee sa ama niyang si Jigo Garcia, na dating miyembro ng That's Entertainment.

"Siyempre po, gusto ko namang mag-share," sabi ng young actress. "Matagal na po kaming hindi nagkikita ni Daddy, hindi po magtama ang schedules namin. Kapag libre ako, siya naman ang hindi and vice versa. Pero lagi po kaming magkausap sa cell phone. Gusto ko po kapag nagpunta kami ng church, i-treat ko silang buong family ng lunch or dinner."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iwas na iwas naman si Jenica sa tanong tungkol sa kanila ni Mart. Basta happy raw sila dahil sunud-sunod ang trabaho nila. Bukod kasi sa Pasan Ko Ang Daigdig, sila rin ang magka-love team sa Sunday youth-oriented show na Boys Nxt Door. Nagsimula na rin silang mag-shooting ng Hide and Seek sa Regal Entertainment, kung saan kasama rin ang ina ni Jenica na si Jean.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN