Sam Milby on Anne Curtis's next boyfriend: "Sana ako na."


Sam Milby and Anne Curtis—are they going to be more than just friends eventually? Insiders claim that they already are an item. Fans are hoping that their reel team-up would turn real.


Hindi binigo ng isa sa hottest heartthrobs ng Pinoy Big Brother na si Sam Milby ang fans at ang kanyang mga co-housemates sa Bahay ni Kuya sa ginanap na free concert sa Araneta Coliseum kagabi, billed as “Housemates: Tuloy Ang Buhay sa Mas Pinalaking Bahay.” Marami ang natuwa sa pagdating ni Sam, sa kabila ng pagiging very busy nito.

“I really made sure na makasama ako dito kasi sila talaga ang una kong nakasama sa loob ng Bahay ni Kuya. This is one of the best ways ng pagbabalik ng utang na loob,” pahayag ni Sam.

Grabe ang sumalubong na tilian at palakpakan ng mga fans ni Sam sa Big Dome. Nagkagulo lalo ang fans nang kantahin ni Sam ang “Maging Sino Ka Man” at “My Girl.”

Dahil dito, tinanong namin ang manager ni Sam na si Erick Raymundo kung kelan magko-concert ang ex-PBB housemate sa Araneta Coliseum.

“’Yan po ang goal namin next year. It’s either birthday concert or third year anniversary niya sa August. Pag-aaralan namin nang mabuti,” sabi ni Erick.

Samantala, during the concert ay kasama si Sam sa last batch ng PBB Season 1 housemates na ininterbyu ng TV at radio hosts na sina Cristy Fermin at Jobert Sucaldito sa stage.

Masayang ibinalita ni Sam na nakapag-first shooting day na siya sa bagong pelikula nila ni Toni Gonzaga at Kristine Hermosa, ang Big Love.

Malapit na rin daw siyang magsimulang mag-taping para sa Book 2 ng Maging Sino Ka Man. Makakasama pa rin niya dito ang nali-link sa kanya na si Anne Curtis at ang magka-loveteam na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Tinanong si Sam kung kumusta na ang kanyang lovelife, lalo ngayon na may boyfriend nang iba ang screen partner niyang si Toni Gonzaga. Ang puwede na lang talaga na i-link kay Sam ay si Anne Curtis na walang boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana ako na [ang susunod na boyfriend ni Anne],” pagkatamis-tamis na sabi ni Sam, kasunod ang malakas na hiyawan at sigawan ng mga manonood sa Araneta Coliseum.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN